DARREL
*✧♡*♡✧*
Malakas na ulan ang gumising sa 'kin ngayon umaga, sobrang lakas ng hampas ng hangin sa beranda dahil galing 'to sa dagat.
Agad kong minulat ang mga mata ko sabay bangon. Kabado na baka may multo sa harapan ko pero wala naman akong nakitang kakaiba sa kwarto.
"Panaginip lang siguro 'yun kagabi," bulong ko sabay kamot sa ulo at bangon na sa higaan. Naghikab ako sabay kamot sa ulo habang naglalakad papunta sa beranda para isarado ang malaking bintana.
Pero bago ako tuluyan makalapit sa bukas na bintana ay napansin ko ang puting kurina na tinatangay ng hangin. Madilim ang buong paligid at sobrang lakas ng hangin sa labas, pero hindi 'yun dahilan para makabuo ng isang hulmang katawan sa aking harapan.
Napalunok ako.
May babaeng nakatayo sa bintana habang nakasuot ng puting bistida, may itim siyang buhok na hanggang balikat at maputlang balat.
Natatakpan siya ng mahaba't puting kurina na nililipad ng hangin mula sa labas kasabay ng pagtangay ng iilang hibla ng kaniyang itim na buhok.
Napalunok ako, kinusot ang aking mga mata dahil baka na aalimpungatan lang ako pero ilang beses kong pinikit at binuksan ang mga 'to— ngunit andoon pa rin siya nakatayo.
"Sh*t," bulalas ko sa takot at mukhang narinig niya ko kaya bahagya siyang napalingon.
Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko, para akong nasa loob ng horror movie kung saan makikita ko ang duguang mukha ng multo sa bahay na 'to.
Kahit kabado ay nagawa kong ihakbang ang mga paa ko paurong papunta sa pinto. Dahan-dahan habang hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kaniya, pero bigla siyang binalot ng makapal na kurtina at nawala sa paningin ko.
"Ma-ma..." nangangatog kong tawag sa nanay ko kahit hindi ko siya kilala.
"Good morning Darrel!"
"Aaaaaah!!!" Sigaw ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin sa aking leeg at marinig ang boses niya sa tabi ng tainga ko.
Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto pababa ng hagdan. Sa sobrang takot ko, kahit madilim ang daan ay matulin akong nakapunta sa kusina at binuksan lahat ng ilaw sa buong first floor ng bahay.
Agad kong hinawakan ang unang bagay na nadampot ng kamay ko bilang proteksyon.
"Anong gagawin mo sa remote control? Ibabato mo sa 'kin? Hahahah!" Rinig kong tawa niya mula sa taas ng hagdan kaya naghanda na kong ibato sa kaniya ang hawak kong remote.
Teka Darrel, masasaktan mo ba ang multo gamit ang remote control?
"Sino ka! Anong ginagawa mo sa bahay na 'to!?" Tanong ko sa kaniya habang naririnig ko ang malalakas na kulog mula sa labas.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomantizmNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...