DARREL
*✧♡*♡✧*
YEAR 2020
"Sure ka bang aalis pa tayo? Parang uulan sa labas eh," tanong ko kay Kristal na ngayon ay nag-aasikaso ng laman ng bag niya.
"Ano ka ba naman? Naka-schedule na 'yung dinner date natin saka hindi naman siguro lalakas 'yang ulan," saad niya.
Lumapit ako kay Kristal na ngayon ay hirap na hirap sa pagsuot ng flat shoes. Eight months na kasi siyang buntis at hirap na hirap siya sa pagyuko dahil sa kalakihan ng kaniyang tiyan.
"Hahaha, hindi mo na kayang yumuko no?" Tanong ko saka lumuhod sa harap niya at inayos ang pagkakasuot ng kaniyang sandals.
"Ang bilis kasing lumaki ng anak natin eh, para akong lumunok ng isang buong pakwan." Natawa ako sa sinabi niya at marahan na hinaplos ang tiyan niya.
"Ayaw mo nu'n? Isang buwan na lang pwede na natin makasama ang anak natin," sagot ko at napangiti rin siya sabay halik sa noo ko. Agad akong napahawak dito at napatingin sa kaniya habang namumula ang mga pisngi ko.
"Para saan 'yun?" Tanong ko sa kaniya at ngumisi naman siya nang nakakaloko.
"Jusco naman Darrel, 2022 na hindi ka pa rin sanay sa halik ko? Hayaan mo pag naging three years old na ang anak natin sasanayin kita sa halik ko gabi-gabi," sagot ni Kristal sabay ngisi sa harap ko kaya napatakip ako sa aking bibig sabay iwas ng tingin sa kaniya dahil alam ko na gumuguhit na rin ang mga ngiti ko sa labi na hanggang langit.
"Saka mo na isipin 'yan pag nanganak ka na, baka hindi mo na gustuhin magka-anak ulit dahil sa hirap ng pagle-labor," sagot ko at inalalayan na siyang tumayo sa sofa.
"CS naman ako eh, okay lang 'yan. Pero sapak ka talaga sa 'kin pag naghanap ka ng ibang babae na walang tahi sa tiyan!" Baka naman kaya ko siyang ipagpalit? Kahit na dumami pa 'yang tahi niya o kahit na anong mangyari sa katawan niya ay siya pa rin ang pipiliin ko no.
Hindi ko alam anong mangyayari sa'kin kung hindi siya ang kasama ko.
"Asa ka naman na may mahahanap pa ako na mas gaganda sa 'yo?" Tanong ko at nakita kong siya naman ang namula sabay hampas sa braso ko.
'Tong babaeng 'to, kikiligin na lang mananakit pa.
"Tsk, bolero! Tara na nga at baka abutan pa tayo ng malakas na ulan," sagot niya kaya inalalayan ko na siya maglakad palabas ng bahay at kinandado ang mga pinto at bintana.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...