DARREL
*✧♡*♡✧*
Ilang araw na ba ang lumipas simula nung magtapat ako sa kaniya at makita niya ang mukha ng lalaking iyon?
Ilang araw na ba siyang hindi nagpaparamdam at nagpapakita sa akin?
Dalawa?
Tatlo?
Hindi ko na alam, patuloy lang na naglalayag ang isip ko habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan, nagbabadya na naman ata ang ulan ngunit sabi naman sa balita ay walang ano mang namumuong bagyo.
Mukhang nakikisabay lang sa kalungkutan ko ang panahon.
Simula nung gabing makita ni Kristal ang lalaking kausap ni Dillan ay iyon na rin ang huling araw na nagpakita siya sa akin, hindi na siya bumalik o nagparamdam man lang sa akin katulad ng mga nakaraang ginagawa niya, na aalis sandali at babalik din kaagad.
Ngayon ay iba, pakiramdam ko tuloy iniwan niya na ko mag-isa.
"Sino ba ang lalaking iyon?" Walang gana kong tanong sa aking sarili. Iniisip ko kung sino siya para kay Kristal at kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya nang makita niya ang lalaking iyon.
Sa kakaisip ay ilang araw na akong walang ganang kumain at panay tulog lang ang ginagawa ko, ni hindi na rin ako umaalis ng bahay at hindi rin magawang makipag-usap sa ibang tao.
Sinubukan akong kausapin ni Dillan pero hindi na ko umiimik, hindi rin naman niya sasabihin sa akin ang mga sagot sa tanong ko kaya ano pang silbi ng pag-uusap naming dalawa?
Parang paikot-ikot lang naman ang lahat at walang papatunguhan, itatago lang naman nila sa akin ang mga bagay na kailangan kong malaman.
Ilang beses na rin ako inaaya ni Kaylie at Estelle na lumabas o gumala pero wala akong gana. Na pagtanto ko na masyado na kong matanda para makipaglaro sa kanilang dalawa, o palusot ko lang iyon dahil wala na talaga akong ganang mabuhay dahil wala siya?
Nalulungkot ako, madalas na rin akong dinadalaw ng anxiety at depression ko. Sinusumpong ng panic attack at nawawalan na naman ng gana mabuhay.
"Bakit? Bakit ayaw mo na magpakita sa akin? Dahil ba sa sinabi ko sa 'yo nung gabing 'yun?" Tanong ko sa aking sarili dahil hindi ako makahanap ng dahilan kung bakit niya ko iniwan.
Hindi naman kaya sumama na siya sa lalaking iyon? Hindi kaya noong makita niya ang lalaking iyon ay nahanap niya na ang sagot sa mga katanungan niya at bumalik na ulit ang mga memorya niya?
Ang daming tumatakbong tanong sa utak ko pero kahit anong gawing isip ko ay wala akong mahanap na sagot.
Na sapo ko ang aking noo, napayuko at hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa mga bagay na pumapasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...