🌻CHAPTER 17🌻

84 8 7
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

"Anong sabi ng doctor?"

"Panic attack daw dahil sa anxiety niya, baka may kinalaman din daw 'to sa dissociative amnesia niya."

"Pero anong kalagayan ng kuya mo ngayon? Magiging ayos naman siya hindi ba?"

Hmm... sino 'yung mga nag-uusap?

"Opo, magiging ayos din si kuya Ma, huwag ka mag-alala." Si Dillan at si Mama ba 'yun?

Naalimpungatan ako at minulat ang mga mata ko. Nakita kong nakahiga ako sa loob ng kwarto ko habang nakaupo si Mama sa tabi ko at si Dillan naman ay nakasandal sa pintuan.

"Ma?" Tawag ko sa kaniya at agad naman siyang nataranta at inalalayan ako.

"Darrel anak! Mabuti naman at gising ka na, may gusto ka bang kainin? O tubig? Anong nararamdaman mo ngayon? May masakit ba sa 'yo?" Sunod-sunod niyang tanong at umiling naman ako saka umupo sa pagkakahiga.

"Ayos lang ako Ma, ano bang nangyari?" Tanong ko sa kaniya at nagkatinginan na naman silang dalawa na para bang naghahanap ng kung ano ang ipapalusot sa akin ngayon.

Bakit ba lahat sila may tinatago sa akin?

"Bigla ka na lang kasi nawalan ng malay sa sobrang sakit ng ulo mo, nakatawag na kami ng doctor at natignan niya na rin ang kalagayan mo, ayos ka na naman daw pero kailangan mong malayo sa stress at makapagpahinga," paliwanag niya at tumingin naman ako kay Dillan.

Alam ko nasa Manila siya para magtrabaho pero na istorbo ko na naman siya dahil sa pagiging wala kong kwentang kuya sa pamilyang 'to.

"Bakit tinawag niyo pa si Dillan? May trabaho 'yung isa," sagot ko sa kaniya at umiling naman si Dillan.

"Ayos lang kuya, nag file na ako ng leave for three days para masamahan ka," paliwanag niya na lalong kinayukom ng mga kamao ko.

Bakit kailangan kong maging pabigat sa pamilyang 'to? Isa pa, may bagay talaga silang tinatago sa akin. Katulad na lang nung narinig kong sinabi nung babae kay Mama at kung pano siya magmakaawa rito.

Iniisip ko kung bakit kailan gawin ni Mama iyon? Bakit kailangan niya lumuhod at magmakaawa sa babaeng iyon para sa 'kin?

Ano ba ang nagawa ko? Anong kasalanan ba ang ngawa ko para magmakaawa siya ng ganon?

"Ma," tawag ko sa kaniya habang nakayuko at nakatingin sa kumot na nakabalot sa binti ko.

"Ano iyon anak?" Tanong niya at lumapit sa akin sabay hawak sa kamay ko.

"Sino 'yung babaeng kausap mo? Bakit ka nag maakaawa sa kaniya?" Tanong ko sa kaniya at napabitaw siya ng kapit sa kamay ko. Tumingin ako nang direkta sa kaniya pero iniwasan niya ang mga tingin ko.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon