DARREL
*✧♡*♡✧*
YEAR 2006
Summer, andito na naman kami sa probinsya nila papa para magbakasyon at dalawin ang lolo at lola namin.
Tuwing bakasyon ay nagpupunta kami rito para samahan sila lola at tumulong sa sakahan. Madalas din kaming naglaro sa dagat ng mga kapatid ko at iyon ang summer vacation namin sa probinsya.
Malakas ang simoy ng hangin sa paligid, maririnig mo ang pagtama ng hangin sa bawat palayan na para ring alon sa dagat. Hawak-hawak ko ang popsicle ice cream na uwi ni lola habang binabantayan ko si Dillan at Dexter na naglalaro sa bakuran.
"Luto na ba ang ulam?" Tanong ni papa kaya napalingon ako sa kaniya habang nakaupo sa harap ng terrace.
"Kanina pa po," tinatamad kong sagot dahil wala akong ibang magawa sa lugar na 'to kung hindi magbabad sa dagat o hindi naman kaya ay magbilad sa arawan habang tumutulong sa pag-aani ng palay.
Tinatamad ako, naiingit sa mga kaklase ko sa syudad kasi ang mga bakasyon nila ay nagagawa nila sa paggagala sa mall o hindi kaya paglalaro sa mga arcade.
Samantalang ako ito tulala sa langit habang inuubos ang ice cream ko dahil sa sobrang init.
"Nakasimangot ka na naman d'yan? Wala ka na naman magawa no? Bakit hindi ka na lang mag surfing ulit? Ang galing mo raw sabi ng mga kapit-bahay natin," Tanong ni papa at nilingon ko siya sabay reklamo.
"Pa! Aasarin na ko sa school pagdating ng pasukan, mas maitim na ko sa kahoy ngayon oh, papunta na sa uling!" Reklamo ko sa kaniya dahil kada mag uumpisa na lang ang pasukan ay ang itim-itim ko at dahil doon pinagtitripan ako ng mga kaibigan ko dahil mukha na raw akong anino sa itim.
"Hahahah! At least nag enjoy ka!" Malakas niyang tawa, eh hindi naman ako nag-e-enjoy! Siguro nung unang punta namin dito nag enjoy ako pero nung kada vacation na lang ganito ang nangyayari sa'kin ay tinatamad at nagsasawa na rin ako.
"Bakit hindi ka mag gala-gala? Dalhin mo ang bisekleta ko Darrel," sagot naman ni lolo na kakapasok lang sa pinto at hinubad ang suot niyang salakot.
"Talaga po? Pwede ako mag ikot-ikot ng ako lang mag isa?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman ito.
"Oo naman, basta umuwi ka rin bago lumubog ang araw ah," sagot niya at kumaripas naman ako ng takbo para yakapin siya.
"Thank you po lolo! Babalik din agad ako!" Saad ko sabay kuha ng pulang sumblerong nakasabit sa pinto at suot ng tsinelas ko.
Simula kasi nang pumunta kami rito ay hindi pa ako ganong nakakagala mag-isa, lagi kaming magkakasama nila papa at mama tuwing pupunta kami ng dagat o kaya maglilibot sa bayan.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...