🌻CHAPTER 18🌻

83 7 5
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

Maaga akong nagising sa ingay na ginagawa nila Papa at Dexter sa kusina. Tuwing weekends kasi ay lagi na silang gumagawa ng oras para puntahan ako sa bahay at bisitahin ako rito.

Minsan salitan sila, kadalasan na umuuwi ay si Dillan, at si Dexter naman tuwing weekends. Si Mama ay parating wala at parang umiiwas sa akin ngayon.

Siguro hindi niya gustong pag-usapan namin 'yung nangyari nung nakaraan o hindi kaya ayaw niya 'tong ipapaalala sa akin.

Ilang araw na kong tamad na tamad kumilos. Wala na kong gana pang gumawa ng kahit anong bagay at pakiramdam ko lalong lumalala ang katamaran dahil sa anxiety ko.

Lagi lang ako nakahiga, walang gana at natutulog, wala rin naman kasi akong magawa kaya siguro ganun na lang din ang pambubulabog sa akin ng pamilya ko.

"Umaga na bumangon ka na tulog mantika ka!" Hiyaw ni Kristal at tinakpan ko ang tenga ko gamit ng unan at pinikit pa ulit ang mga mata ko.

"Wag ka na magtulog-tulugan d'yan! 'Di ba may usapan tayo na bawal tamarin at dapat naka smile sa harap ng family mo? Akala ko ba ayaw mo mag-alala sila sa 'yo?" Tanong niya sa akin at panay ang hampas sa akin pero hindi niya naman ako mahawakan.

"Pero wala talaga akong gana, pwede ba na hindi na lang din ako magpakita sa kanila?" Tanong ko kay Kristal at umiling naman siya.

"Gusto mo lalo silang mag-alala sa 'yo? Kung hindi ka lalabas ng kwarto na 'to ay lalo talaga sila kakabahan sa nangyayari sa 'yo," paliwanag niya at hinila ang kumot ko kaya napabalikwas ako.

Minsan talaga nakakatakot siya pag nakakayanan niyang hawakan ang bagay-bagay sa bahay na 'to.

"Ito na ito na, wag ka na lang maingay at baka magtaka sina Dexter kung sino 'yung kinakausap ko rito sa loob ng kwarto," sagot ko sa kaniya at kakamot-kamot ng ulo habang inaantok pa at tinatamad bumangon.

Wala na kong nagawa kung hindi sundin ang gusto niya, bumangon na ko sa kama at dumaretsyo sa banyo para maghilamos. Pagtapos ay bumaba na ko ng sala at nasalubong ko si Dexter na naglilinis ng agiw sa kisame.

Halos masilaw ang mga mata ko sa sobrang liwanag ng bahay, bukas lahat ng mga bintana kaya pasok na pasok ang liwanag galing sa labas, ganu'n na rin ang preskong hangin mula sa bukid.

"Oh kuya, gising ka na pala. Good morning!" Bati sa akin ni Dexter at tumango lang ako sa kaniya ng walang ganan pero nakita ko si Kristal sa likuran ni Dexter na nakatingin sa akin nang masama kaya bigla akong napatingin kay Dexter sabay ngiti rito.

"Good morning din," bati ko sa kaniya at nakita ko naman kung pano mag thumbs up sa akin si Kristal.

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon anak ah," sabi ni Papa mula sa kusina at tumango na lang din ako kaso muli kong nakita si Kristal na nakahalukipkip sa likod ni Papa at tinitignan ako nang seryoso kaya napabuntong hininga ako ng patago sabay ngiti.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon