DARREL
*✧♡*♡✧*
Sabay kaming kumain ni Dillan ng umagahan, mainit na sabaw ang pinagsaluhan namin sa malamig at umuulan na panahon ngayon.
Tahimik lang akong nakaupo sa harap ng lamesa habang kumakain at nagpapatuyo ng damit ko. Samantala, siya naman ay panay ang pindot sa phone niya habang humihigop ng mainit na sabaw.
"So kuya, anong nangyari?" Pagputol niya sa katahimik na namamagitan sa naming dalawa kaya napaangat ang ulo ko sa sabay tingin sa paligid para makita kung andito ba ngayon ang multong babae na 'yun.
Baka kasi mamaya ay nagmamatiyag lang siya at nakikinig sa usapan namin dito sa loob ng bahay. Katulad na lang ng ginawa niya kahapon kaya niya nalaman ang pangalan ko at nangyari sa akin.
"May multo nga akong nakita," seryoso kong sagot sa kaniya pero tinawanan niya lang ako at halatang hindi naniniwala.
"Matagal ka nang nakatira sa bahay na 'to, tapos ngayon ka lang nakakita ng multo?" Tanong niya sa akin at hindi ko naman alam na nakatira na pala ako sa bahay na 'to noon pa.
"Matagal na ko rito? Ano 'to bili ko mag-isa?" Tanong ko sa kaniya dahil wala naman akong alam tungkol sa sarili ko o kung maganda ba ang trabaho na mayroon ako para makabili ng sarili kong bahay sa edad na 'to.
"Hindi naman, siguro mag iisang taon pa lang at oo, nabili mo 'to ng sarili mong pera kasi maganda naman ang trabaho mo at malaki ang sahod mo," sagot niya kaya lalo akong na curious kung ano ba ang trabaho ko noon.
"Ano bang trabaho ko?" Usisa ko sa kaniya habang humihigop siya ng mainit na sabaw.
"Programmer, alam ko TL ka na sa company niyo kaya malaki talaga sahod mo, kaso simula nga nung maaksidente ka sa sasakyan ay hindi ka na nakapasok sa work mo. Bali isang buwan na rin siguro," sagot niya sa akin at sa pagkaka-alam ko rin ay mahigit tatlong linggo akong na coma sa hospital at nung magising nga ako wala na kong maalala.
"Oh kuya, gamitin mo pag may kailangan ka," sagot niya sabay abot sa akin ng cellphone na kanina niya pa hawak.
"Akin ba 'to?" Tanong ko sabay kuha naman at tingin dito.
"Hindi, akin 'yan. 'Yung lumang cellphone mo kasi na kay Dexter at nakalimutan niya pa atang kunin sa pagawaan, nasira kasi 'yung screen nung na aksidente ka," sagot niya at tumango naman ako.
Kung cellphone ko 'to, balak ko sana maghanap ng iba pang impormasyon tungkol sa akin o kahit mga picture man lang ng mga kaibigan at iba pang taong kakilala ko noon. Kaso mukhang malabo, lahat ng gamit at bagay na maaaring sumagot sa katanungan ko ay wala ako.
"Hindi mo na 'to kailangan?" Tanong ko kay Dillan at tumango naman siya sabay subo ng pagkain niya.
"Hindi na kuya kaya gamitin mo 'yan pag may kailangan ka ah, lalo na kapag kailangan mo sila Mama. I-chat mo lang sila para makapunta sila dito sa bahay," dagdag niya at tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]
RomanceNagising si Darrel galing sa isang aksidente na nagdulot sa kaniya ng pagkawala ng kaniyang memorya. Sobrang hirap para sa kaniya mabuhay ng walang alaala kaya naman hinayaan siya ng kaniyang pamilya na tumira sa isang bahay kung saan siya makakapag...