🌻CHAPTER 8🌻

109 9 9
                                    

DARREL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DARREL

*✧♡*♡✧*

Itim na buhok na hanggang balikat, maliit na pangangatawan at nakasuot ng isang puting bistida. Iyon ang imahe na nakita ko sa babaeng dumaan sa kaharap kong hallway dito sa loob ng hospital.

Hindi ko alam kung si Kristal nga ba iyon pero kusa na lang gumalaw ang mga paa ko at sinundan siya papunta sa hindi ko alam na direksyon. Maraming tao sa paligid kaya tanaw-tanaw ko lamang siya, hindi ko rin naman matawag ang pangalan niya dahil baka magtaka ang mga tao sa paligid ko kung sino ang tinatawag ko sa kanila.

"Anong ginagawa mo rito Kristal?" Tanong ko na lang sa sarili ko at nais makumpirma kung siya nga ba 'yung babaeng nakita ko.

Lumiko siya sa kabilang hallway kaya lalo akong namadali sa paglalakad pero bago ko pa siya masundan ay napatigil na ako sa paglalakad nang makita ko ang aking ina at alalang-alala na naghahanap sa akin.

Nang makita niya ko ay agad siyang lumapit sa akin, "Darrel anak? Saan ka ba nagpupunta? Kanina pa kita hinahanap, kinabahan ako sa 'yo," sabi niya sa akin at tinanaw ko naman ang hallway sa hospital pero nawala na sa paningin ko ang imahe nung babaeng hinahabol ko.

"Anong hinahanap mo? Bakit ka na rito?" Tanong niya at na pansin ko na puro bata ang nasa paligid ko. "Para sa pedia na ang ward na ito anak," dagdag niya at napahawak na lang ako sa batok ko saka sumama sa kaniya pabalik sa clinic.

"Naligaw lang po ako, bumili lang ako ng maiinum tapos hindi ko na matandaan ang daan pabalik," palusot ko sa kaniya habang naglalakad kami pabalik sa doktor ko.

"Sana nagpaalam ka muna sa amin, may dala rin akong tubig sa bag," sagot niya at hindi na lang ako umimik para hindi na humaba pa ang usapan.

Muli akong pinapasok sa loob ng clinic at sa pagkakataon na 'to kasama ko na sila sa loob at kinausap kami tungkol sa kalagayan ko. Wala naman ibang sinabi 'yung doktor, nagbilin lang ulit siya tungkol sa mga gamot na iniinum ko at ang mga bagay na bawal sa akin.

"Mauna na ako sa inyo, ingat kayo sa pag-uwi ah," pagpapaalam sa amin ni Mama dahil babalik na raw ito sa trabaho niya kaya kami na lang ulit ang umuwi ni papa at dumaan muna kami sa isang kainan bago tuluyang bumalik sa bahay.

Nang makauwi ay agad kong hinanap si Kristal sa loob ng bahay, iniisip ko pa rin kasi kung siya ba 'yung nakita kong babae kanina o iba 'to.

"Kristal?" Tawag ko sa kaniya pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng bahay sabay hubad ng sapatos na suot ko.

"Welcome back!" Bati niya na pinagtaka ko, tinignan ko siya at mukhang wala namang pinagbago sa kaniya, hindi rin siya mukhang umalis ng bahay pero hindi pa rin ako mapakali at gusto ko pa rin siyang tanungin.

"Umalis ka ba ng bahay?" Tanong ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya.

"Ha? Nahihibang ka na ba? Pano ako makakalabas ng bahay?" Tanong niya at lalo naman kumunot ang noo ko. Iyon din ang tanong na tumatakbo sa isipan ko.

Kiss The Wind [愛 Ai Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon