Season 3 Pilot: Vicenta

926 72 125
                                    

3 months later…

Finally ay makakabalik na din ng Pilipinas si Bong.

Madaling araw pa lang ay inayos na niya lahat ng mga gamit niya in preparation for his return.

More than a month na din niyang hindi nakakausap ng maayos si Sara.

Pag tinatawagan kasi niya ito, it's either walang signal o busy and based on what he heard from Vic, palagi daw talagang busy si Sara simula ng bumalik ito galing leave.

Madalas ay nasa mga probi probinsya ito para bisitahin ang mga schools na nasa remote areas.

Nag tetext naman sila minsan pero halos isa o dalawang messages lang, tamad daw kasi mag text si Sara.

Kung gaano kadalang ang pag uusap ni Bong at Sara, ganun naman kadalas ang pagtawag ni Bong kay mama Beth dahil kay Diara.

While Sara is busy with her VP duties, si Mama B na muna ang nagbabantay kay Diara habang wala si Bong.

Sa sobrang dalas nga ng pagtawag niya kay Mama B, malapit na silang magkadevelopan at parang sila na ang mag jowa.

Joke lang.

Gustong gusto kasi ni Mama B si Bong para sa unica ija niya at very vocal naman siya doon.

Favorite in law na nga ang tawag kay Ferdinand.

And yes, opo advance na po si Mommy B.

sabi nga niya, doon din naman papunta so why not start calling Ferdinand his favorite son in law.

And as usual, kilig na kilig naman ang Bonget lalo na at idol na idol niya si PRRD kaya feel na feel niya din ang pagiging favorite.

Can't wait to be part of the family ika nga.

Aside from that, lumalaki na din si Diaringkingking.

Mag thi three months na soon at mas lalo pang naging cute at singkit.

And yes ulit, Diaringkingking ang binigay na nickname ni Mama B kay chinita cutie Diara.

Tradisyon na kasi ata talaga ng mga bisaya ang magbigay ng magandang pangalan pero tatawagin ka sa pangit na nickname.

So yeah, bisaya things.

Sa tatlong buwan na pagkawala ni Bong, malaki na ang pinagbago ni Sara.

Simula kasi nung bumalik ang self love niya, mas lalong na boost ang confidence niya at mas ginanahan siyang alagaan at iprioritize ang mga gusto niyang gawin sa buhay.

Well, food is life pa din naman siya like the old days but she also started working out.

Kung dati ay tamad siyang mag exercise, ngayon ay part na ng daily routine niya.

Bumili na nga ng treadmill.

At first, napilitan lang talaga siyang mag exercise pero dahil lagi siyang pumupunta sa mga remote schools na piso nalang ang dagdag sa pamasahe ay langit na, she decided to be fit.

And it worked! kasi nung nagsimula na siyang mag exercise, di na siya hinihingal.

Sa sobrang remote kasi ng mga areas na pinupuntahan niya, parang requirement ang lakad ka ng lakad yung daig mo pa ang nasa indie film.

Kaya ayun, long story short, she lost a lot of weight at talagang mas lalo pang sumexy.

Aside from that, may glam team natin siya.

Kung dati ay kilay at Johnson's baby powder lang ay ready to go na, ngayon mejo nag level up at may hair and makeup stylist na.

Nung una ayaw niya, pero dahil mga kaibigan naman niya ang nag presinta, pumayag nalang din.

Actually, nakatulong din sa pagpapabalik ng confidence niya ang mga friends nyang make up artists.

Aside from the laughter they shared, natulungan din nila si Sara na marealize ang worth niya.

At syempre dahil blooming at very pretty na ang Sara kahit saan pumunta, dumadami na din ang mga matang nakatingin.

There were a few who expressed their interest lalo pa at nalaman nilang annuled na ito.

Mejo marami din talaga pero may dalawang persistent.

Although she appreciates the attention, hindi naman din niya siniseryoso.

None of them knew about her connection with Bong.

Kaya siguro malakas ang mga loob pumorma.

One is a senator, and one is a cabinet member.

At dahil malakas ang radar ng mga baklang friends niya, lagi din siyang tinutukso.

In fact they now call her using her real name. Bagay daw kasi sa kanya lakas maka screen name.

"Sara Vicenta" ang babaeng gustong pakasalan ng buong bayan.

**
🎶Miss flawless kung ako'y tawagin🎶

Go SV! 💅

You All Over Me ('La Magie' Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon