Drunk Heart

816 64 98
                                    

Win's POV

Hindi pa din ako makapaniwalang andito si Sara sa harap ko ngayon.

It's been a while since we spent time together like this and I must say, wala pa din siyang pinagbago.

She now holds the second highest position in the country but she's still the same Sara I met a long time ago.

Ang Sara na nagustuhan at minahal ko back then.

Ang Sara na siguro asawa ko na  ngayon kung pinaglaban ko lang sana.

Sara, my could have been.

Early 2005

I just had a break from school kaya naisipan ko munang umuwi ng Pilipinas.

I am currently studying at Boston University at isang taon nalang matatapos na ako. 

Matagal tagal na din akong hindi nakakauwi and I really miss hanging out with family and friends.

Because of that, I asked my brother kung pwede din siyang mag invite ng mga friends niya. Bukod kasi sa na miss ko ang pakikipag party, I also missed socializing with my pinoy friends. Iba din talaga kasi ang humor ng mga pinoy.

"Win, tara na! my friends are waiting inside" aya sa akin ng kapatid kong si Rex

"Oo eto na. Why are you in a rush though? 10 pm pa lang oh, we still have hours to party" sagot ko naman sa kanya.

"Bro, mga law students tong friends ko at may mga pasok pa kinabukasan so if you want to meet them, hurry up" Sabi  ni Rex na nagmadali na pumasok sa bar.

Sumunod nalang din ako.

"Guys, meet my brother Win" pakilala niya sa akin sa mga kaibigan niya.

I'm not really the shy type but that moment, parang bigla akong nahiya nung makita ko ang mga kaibigan ng kapatid ko.

Especially the mestiza one.

When she saw me, agad din tumayo para batiin ako.

"Hi Win!! I'm Sara. Teka bat Win ang nickname mo? Short for Winner ba yan?" She said with a giggle.

Normally pag pinagtatawanan ang pangalan ko, naasar talaga ako but for some reason, Hindi ako nainis sa kanya. 

So I just answered.

"Ah hindi naman. Ewan ko ba sa parents ko ba't Win ang pinangalan sa akin e andami namang pangalan jan." Biro ko.

"Well it's a cute name. Kasing cute mo. Ayiieee… kilig yan?" tukso niya sa akin na may kasamang kurot pa sa tagiliran.

In the back of my mind, I couldn't help but comment

"Ibang klase naman tong babaeng to, kakakilala lang eh, feeling close na agad pero in fairness ang ganda ha" I told myself.

We were still standing in front of the couch ng bigla niya kong hinila paupo.

"Lika na! Inom na tayo at may exams pa ko bukas!! Let's not waste any time" Nakangiting sabi niya sa akin sabay inom.

That night, Sara and I really had a great time. Para bang nag click kami agad. Yun nga lang, may pagka broken pala tong babaeng to.

When she got drunk, nag umpisa ng mag English at mas lalo pang naging madaldal.

She told me everything about a guy that she really liked. Natawa nga ako ng ikinwento niyang kaya siya nasa bar ay dahil binasted na naman siya ng nililigawan niya.

"Like seriously? na naman? So this is not the first time? tsaka bat ikaw ang nanliligaw? Hoy kababae mong tao mahiya ka naman!" Tawang tawang sagot sa kanya.

You All Over Me ('La Magie' Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon