TV

917 58 126
                                    

After leaving the meeting room, Bong immediately got in the car para habulin si Sara.

Sa dinami dami ba naman ng mga misunderstandings nila in the past, he finally learned his lesson. Hindi na niya hahayaan pang tumagal ang tampuhan nila.

Honestly hindi din niya maintindihan kung bakit mas lalong tumindi ang pagiging possessive nila sa isa't isa.

kung kelan may anak na sila at konti nalang parehas na din silang malaya, mas lalo naman silang naging seloso at selosa.

"Hayy baby.. what's going on with your mom? Hindi ko naman type yung pinagseselosan niya eh. I don't think she realize how beautiful she is. She's literally everyone's dream girl" Sabi ni Bong kay Diara na parang naghahanap pa ng kakampi.

Natawa nalang din si Bong sa itsura ng anak niya.

Kanina niya pa kasi kinakausap tungkol sa love life nila ng mommy niya at mukhang seryoso namang nakikinig.

No doubt that aside from Sara, Diara is his happy pill.

Unica ija at ngayon mukhang bff na din.

When Bong thought of that, di niya maiwasang mapangiti.

From the time kasi na he decided to give up everything for Sara, pinangako din niya sa sarili niya na gagawin niyang priority ang mag ina niya and he doesn't regret that one bit.

After venting his feelings to Diara, he immediately called Sara.

"Come on love.. pick up the phone.. I'm sorry na kasi.." he told himself while ringing her.

Nakailang tawag din siya pero hindi pa din siya sinasagot nito kaya naisip niya na umuwi nalang muna.

Sa sobrang pagmamadali, wala pa atang 30 minutes ay nakarating na sila sa condo.

As soon as they arrived, Bong immediately went inside the unit para mag apologize pero to his surprise, wala si Sara doon.

He didn't know where else she could be at dahil hindi naman sumasagot, Bong called her special aide.

B: "Hello? Asan kayo?"

A: "Hi sir! pasakay na po ng chopper pa Iloilo"

B: "What? kala ko ba nagpadala na ng representative si VP para jan?"

A: "Ay opo sir! di nga din po alam eh bigla nalang kasi nag decide si VP na pumunta."

B: "Ok then.. Please tell her to call me pag nakarating na kayo. Importante lang"

End of call

"Hay naku naman tong mommy mo Diara napaka selosa at iniwan pa tayo..I mean Daddy is also jealous pero di naman masyado. slight lang but mom is on a different level.. sometimes I just don't get her." Sabi ni Bong sa anak niyang tawa ng tawa na naman habang sinasabunutan ang buhok niya.

"Ouch princess.. Not daddy's hair.. konti nalang yan baka maubos pa" biro niya sa anak na para bang malaking tao ang kausap.

At dahil wala na din naman siyang magagawa, he just allowed Sara to attend the Iloilo engagement.

"Mag aattend lang naman ng storytelling yun. She'll be home tonight" he told himself sabay karga kay Diara sa sala at on ng TV.

He was supposed to let Diara watch some baby channels but before he could even switch it, biglang may news report na pumasok.

And of course as the president, it's just normal for him to be curious kung ano na ang mga binabalita sa TV.

So he decided to watch.

He watched until the news about the VP visiting Iloilo came on.

"Ngayong araw ay inaasahan din ang pagdating ng ating Bise Presidente para pangunahan ang opening ng bagong building at bisitahin ang ilan sa mga mag aaral. Bukod pa sa Bise Presidente, andito na din si Senator Win Gatchalian para sa launching at promotion ng online library para sa mga mag aaral na nasa elementary at highschool"

"Sen, alam niyo po bang darating si VP Sara? Magkasama ba kayong pupunta sa opening?" Tanong ng reporter

"Ay Oo. tumawag ang staff niya sa akin. I was supposed to leave after my speech pero dahil biglaan ang pagpunta niya, I'll wait for her. I think it's the perfect time to discuss some of the projects I have in mind for the education sector na din." Win answered na ang tamis pa ng ngiti.

Which the reporter noticed

"Ay mukhang happy kayo sen ah.. Mas ok talaga kung magkaka alyado ang mga public officials no? It makes a lot of difference" pahabol niya.

"Ay oo. Aside from running under the Uniteam, VP Sara and I have known each other for a very long time bago pa kami pumasok sa politika so we're really good friends" nakangiting sagot ni Win na parang kinikilig pa.

When Bong heard the news and saw Win on TV, his eyes widened at bigla niyang pinatay ang TV. Muntik pa ngang batuhin ng remote sa sobrang gigil.

"What???? Good friends mo mukha mo Gatchalian!! That's my woman!!! At ikaw naman Inday Sara, Iniwan mo talaga kami dito para pumunta sa event na alam mong andun si Gatchalian?? What are you doing ha??? Are you really testing my patience?? Akala mo ba, hindi ko alam na muntik mo na siyang pakasalan??.This is too much…humanda ka sa akin"  Galit na galit na sabi ni Bong sabay kuha sa phone niya para tawagan si Manang.

"Manang Ime? On the way na ako jan.. hahatid ko si Diara may pupuntahan ako."

"Hoy Bonget! Ano na? ginawa niyo na akong yaya ah!!!"

"Manang please.. Importante lang.. susunduin ko din mamayang gabi. Ok? I'll see you." Bong said sabay baba ng telepono.

After dropping the baby off at Manang's place, Bong immediately called his staff to prepare the chopper.

Kung siya lang ang masusunod ay lumipad na siya agad agad but since there was a rainfall warning sa dadaanan nila, hindi siya agad nakasunod.

While waiting for the clearance to safely fly, sunod sunod din ang tawag niya kay Sara.

But unfortunately, ni isang tawag niya ay walang sinagot dahilan kung bakit mas lalo pa siyang nainis.

He was so frustrated na namumula na ang mukha niya sa inis habang palakad lakad sa harap ng chopper.

All this quarreling and jealousy is making him lose focus at nataon pa talaga na may scheduled state visit siya sa Indonesia at Singapore kinabukasan ng gabi.

Alam naman niyang mahal siya ni Sara but leaving her daughter to attend an event with an ex fiance is a bit too much for him.

That's why he decided to settle everything with Sara before he leaves for the visit.

Hindi na niya kaya ang laging nagseselos.

Mag popropose na siya.

Kailangan na niyang itali at baka maligaw pa ng landas at mapunta sa iba.

After an hour or so, binigyan na din sila ng clearance para lumipad.

While on the chopper, Bong couldn't help but think.

"You are so annoying!!! Nakakainis ka pero mahal na mahal kita.. wait for me at wag kang makalapit lapit sa Win na yan!! This ends today.. Uuwi kang may singsing sa ayaw at sa gusto mo!!!"

You All Over Me ('La Magie' Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon