Sara's POV
"Win?"
"Si Win ba yung nakita ko?" I asked myself.
I am so drunk at parang hindi ko na kayang ibuka ang mata ko.
I think drinking too much was a bad idea. Ang tagal ko na din kasing di umiinom at mukhang nabigla ata ang katawan ko.
Alam kong nakahiga na ako sa kama ngayon coz I can feel it pero ang tanong, kaninong kama kaya to? Aba ewan ko!! basta ang alam ko, gustuhin ko mang tumayo at umuwi na, hindi ko na kaya.
Baka nasa bahay pa ako ni Win. Kasi kung hindi, malamang nagkagulo na ang mga security ko.
Pero so far so good at wala pa naman akong naririnig na bantay.
I was still thinking kung paano ako makakauwi when I suddenly felt someone talking to me while wiping my face with what seems to be a cold towel.
"Ayan kasi inom inom di naman pala kaya. You're still so you Sara. Nakakamiss ka naman."
Wait, I know that voice..
"Win??? don't tell me after all these years you still like me? Ay naku! di naman siguro. Para pinunasan ka lang sa mukha eh!! assuming kang inday ka!" I told myself.
As much as I wanted to tell him to stop, pakiramdam ko para akong na comatose sa sobrang kalasingan.
I could hear him pero di ko na talaga mabuksan ang mga mata ko. Pati yung katawan ko bagsak na at di ko na maigalaw.
So I just decided to listen.
Habang pinupunasan ni Win ang mukha ko, I couldn't help but look back to what happened between us years ago.
Win and I were introduced by his brother Rex in a bar.
Lasing din ako nun, and according to my friends, sa sobrang kalasingan, kung ano ano na daw pinagsasabi ko kay Win.
Inalok ko pa nga daw siyang maging boyfriend ko.
I was so silly back then. Nagagawa nga naman ng pusong sawi!
Well good thing naman after my crazy behavior in that bar, mukhang wala naman ding naalala si Win.
After that night, siguro we went out with the same group of friends ng tatlong beses pa bago siya bumalik ng Amerika para tapusin ang degree niya.
And as much as I wanted to approach him sa mga oras na lumalabas kami kasama ang mga kaibigan namin, nahiya ako.
So I didn't.
After everything I told him the night we met, nahihiya na talaga akong kausapin siya, so I simply kept my distance.
It was not until 2006 that we saw each other again in one of the Mayor's conferences.
When I saw him, nagulat ako. I didn't expect that he was back in the country at mayor na di pala siya like me. Tadhana nga naman, parang a year before magka bonding lang kami as crazy students sa bar ah.
"Hi Mayor Sara! Do you still remember me?" nakangiting bati niya sa akin.
"Oo naman ano ka ba! isang taon pa lang naman tayong di nagkikita. How are you? Mayor ka din?" I asked him with an awkward smile.
Ang totoo kasi, while he was in the US, he kept sending me emails and Yahoo Messenger requests pero di ko naman inaaccept.
Nahihiya parin kasi ako and on top of that, I went back to obsessing with Manases when Win left.
And as usual, hanggang ngayon hindi pa din ako sinasagot ng buang.
Ewan ko ba dun sa lalaking yun napaka taas ng standards!!

BINABASA MO ANG
You All Over Me ('La Magie' Book 2)
FanfictionDue to insistent reader demand, here's the book 2 of La Magie Here's a playlist for you... 'YOU all over ME' by PastTimeAuthor https://open.spotify.com/playlist/6wdXGht6ey94UFtAS73BgD?si=SwLB0e42THWrjDdGAMHOyA&utm_source=native-share-menu