07

27 0 0
                                    

Chapter Seven

THIRD PERSON

"Sinabi mo iyon?" Natatawang wika ng lalaki habang nakaupo sa driver seat ng sasakyan.

"Yeah"

"Alam mo, bilib rin ako sa amats ng lalaking 'yan sa iyo. Akalain mong hanggang ngayon ay hindi ka pa rin niya tinitigilan"

"Siguro'y titigilan na niya ako ngayon" Sagot ng babae habang inaayos ang pagkakabenda ng kaniyang sugat.

"Kung ako ang tatanungin mo, sa tingin ko'y mahihirapan ka sa kaniya" Bumaling sa kaniya ng tingin ang lalaki. "Bakit hindi mo na lang kasi hayaan, Blaine?"

Tumigil ang babae sa pag-ayos ng kaniyang benda at sumandal sa upuan ng sasakyan bago tumingin sa malayo kung saan nakita niya ang kotse ni Ephraim na paalis ng hospital.

"Wala siyang kinalaman sa mission ko, Morphius"

Napailing ang lalaki sa sinabi nito saka pinaandar rin ang saaakyan.

"Wala siyang kinalaman o takot ka lang na madamay at masaktan siya?"

"Wala sa bokabularyo ko ang matakot at magkaroon ng pakialam sa kahit sino. Masaktan man siya, wala akong pakialam"

"Eh 'di hayaan mo siya na lumapit sa 'yo. Mas maigi nga iyon para makaganti ka, 'di ba't iyon naman ang gusto mo? Kung ayaw ka niyang tantanan kahit sinabi mong may boyfriend ka na, hayaan mo siya na lumapit sa 'yo at kapag nasaktan siya sa huli, hindi mo na iyon cargo de conciencia"

Napabuntong hininga ang babae. "Ayoko ng makulit at bungangero. Hindi ako nakakatagal sa ganoong klaseng tao. Alam mo iyon kaya't tumahimik ka na" Walang ganang saad nito saka pumikit.

Iiling-iling na napabulong ang lalaki habang nagmamaneho.

"Ang sabihin mo'y takot ka lang mahulog sa kaniya"

"Stop whispering naririnig kita at para sabihin ko sa iyo, hindi mangyayari ang sinasabi mo. Over my dead body"

Hindi na lang umimik ang lalaki at nagpatuloy sa pagmamaneho pero bakas ang ngisi sa labi.

EPHRAIM

"Pare!" Unang bumati sa akin si Midnight at nakipag-apir pa.

Sunod namang bumati ay si Damian kasama si Rozette na naka-abre siete sa kaniya. Una ko kaagad na napansin ay ang makinang na singsing sa mga daliri nila. Tss.

Last month lang nag-propose si Damian kay Rozette. Hindi ko akalain na sunod pala sipang ikakasal kay Insan.

"Ayos ka lang, Ephraim? Mukhang masama yata ang tulog mo?"

"Ayos lang, medyo napuyat lang" Sagot ko sa tanong ni Rozette. Masama talaga ang pakiramdam ko dahil sa puyat at nadagdagan pa ng sama ng loob. "By the way, I thought you two have a flight to Canada today?"

"We resched it. Hindi namin puwedeng palampasin 'to. Si Bossing kasi ang nagsabi" Sagot ni Damian.

"I'm sure they threatened you" Natatawang wika ko.

"Hindi naman"

"Anog hindi? Sabi ni Boss di daw sila makakaalis ng bansa for a year dahil iba-ban daw sila sa lahat ng airport dito sa pilipinas" Singit naman ni Haxsin. Napakamot nalag sa ulo si Damian. Napailing na lang ako.

A Fatal Desire [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon