Chapter Twenty
EPHRAIM
Hindi niya ako sinagot pero nanatili siyang nakatingin sa akin. Nag-aalala lang talaga ako ng sobra dahil baka kung anong nangyari sa kaniya. Alam ko kasi na hindi lang simpleng party celebration ang ipinunta niya dito ngayon.
Knowing Vigénere Blaine.
Napakurap-kurap siya saka inalis ng marahan ang kamay ko sa balikat niya.
"Stop doing that" Walang ganang saad niya saka ako tallikuran. Nagsimula siyang maglakad pero hinawakan ko siya sa braso.
"Doing what?" Nalilito kong tanong. Nilingon niya ako saka inalis ang kamay ko sa braso niya. She fix her clothes.
"Nevermind" Sagot niya. "I'm fine" Dugtong nito saka siya nagsimulang maglakad kaya sinundan ko siya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" I asked as I followed her steps.
"It's none of your business" Malamig niyang sagot. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Hindi talaga ako nakakakuha ng matinong sagot sa kaniya.
"V, hindi ko alam kung ano talaga ang pakay mo dito pero sana naman magsabi ka sa 'kin kung saan ka pupunta para hindi ako mag-alala"
Kaagad itong napatigil sa paglalakad kaya muntik na akong bumunggo sa likod niya.
"Wala akong sinabi na mag-alala ka"
Lumipat ako papunta sa harapan nito. Masama ko siyang tiningnan pero tinaasan niya lang ako ng kilay at napa-cross arms ito.
"Kahit ano pang sabihin mo, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala"
Napatitig siya sa 'kin at walang salita na lumabas sa bibig niya. Naglakad ito saka nilagpasan lang ako. Tsk. Maglalakad na sana ulit ako pero naramdaman ko ang biglang pagsakit ng binti ko.
"Fvck!" Naibulaslas ko saka nakangiwing napahawak sa binti ko. Bakit ngayon pa talaga? Tss. Lumapit ako sa isang bench na gawa sa wood at umupo muna saka inililis ang suot kong slacks para tingnan ang binti ko.
Napabuntong hininga ako saka inilibot ang paningin ko sa buong corridor pero wala akong nakita ni anino niya. Napasandal nalang ako sa bench saka napapikit. Malamang umalis na 'yon.
Magpapahinga na lang muna ako dito para maibsan ang nararamdamang sakit sa binti ko.Ilang sandali pa ay may naramdaman akong tumabi sa akin kaya mabilis akong napamulat. Kaagad akong napabaling roon at nagulat pa ako ng mabungaran ang mukha ni V.
Salubong na naman ang kilay nito.
"B-Bakit ka nandito?" I cleared my throat. "Akala ko umalis ka na"
Kaya ba siya bumalik dahil hindi ako sumunod sa kaniya? I'll feel thrilled if that was the real reason.
"Tss. I can't leave"
Napakunot noo naman ako bago umayos ng upo. I bit my tongue to prevent myself from smiling. Ayaw ba niyang iwan ako dito?
"Bakit naman hindi ka makaalis?"
Sa akin ba ang mga paa niya?
"I need you" Seryoso ito habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...