After 5 months
"Good bye, Sir" Saad sa akin ng secretary ko habang palabas ako ng company.
Ngumiti ako rito. "Good bye"
She nodded. Mabilis akong lumabas ng kumpanya habang pinaglalaruan sa kamay ko ang susi ng big bike. Tiningnan ko ang aking wrist watch at maaga pa naman. Makakadaan pa ako sa restaurant para bumili ng dinner.
Saktong paglabas ko ay may bumulaga naman sa harapan ko. Nahulog ito galing sa itaas. Halos mapaupo ako sa semento dahil sa gulat. Nanlalaki ang mga mata kong pinagmasdan ang babae na nakaluhod ngayon sa harapan ko at nakasuot ng itim na damit.
Nang makatayo ito ng maayos ay nakita ko ang mukha ni V.
"Vigénere?!" Gulat kong pakli. Pinagpag nito angkamay at inayos ang suot na damit.
"Bakit ang tagal mong lumabas?" Seryosong tanong nito sa akin. Kaagad akong lumapit sa kaniya.
"I almost had a heart attack. Bakit ka galing sa taas? Paano kung nabalian ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya saka napatingala. "Paano ka nakaakyat diyan?"
"Isa-isa lang ang tanong. Una, galing ako sa rooftop, diyan na lang ako bumaba para hindi hassle. Pangalawa, hndi ako mababalian ang baba lang ng nilundagan ko at pangatlo, I use gecko-inspired gloves to climb the building" Walang gana nitong sagot at humalukipkip.
"Diyan ka bumaba from the 64th floor?!" Gulat kong tanong.
"Huwag kang sumigaw. Kakagaling ko lang sa isang mission. It happened na ang location ay dito mismo sa company mo, I used the rooftop. And yes, diyan ako bumba"
Napakamot ako sa noo ko dahil hindi ko akalain na diyan siya bababa. Nagpadausdos ba siya sa dingding ng building? Pambihira naman. Puwede naman siyang gumamit ng elevator.
"Akala ko nasa bahay ka ngayon. Pupuntahan na sana kita" Saad ko saka ako lumapit sa kaniya. Hinubad ko ang coat ko saka inilagay sa balikat niya. Napatingin lang siya sa ginagawa ko.
"It was a sudden mission from the Empire" She explained.
Napatango naman ako. Inilahad niya ang kamay sa akin. Hahawakan ko na sana ito ng tapikin niya iyon.
"Akina yung susi"
I scratch the back of my head. "Ako na ang magmamaneho. Wala ka bang dalang sasakyan?"
She shook her head. "Hinatid ako ni Morphius"
Napapalatak ako. Pinaningkitan ko siya ng mata. Her eyebrows rose. "What?"
"Si Morphius na naman?" Iritable kong saad.
"Tss. Then, what?"
Napasimangot ako saka nilagpasan siya. "Sa kaniya ka na lang sana nagpasundo" Walang gana kong saad saka nagmadaling tumungo sa parking lot.
Narinig ko naman ang yabag niya na sumusunod sa akin. "Ano bang problema mo? Akin na yung susi"
"Doon ka humingi ng susi sa ulupong na 'yon" Bulong ko at sumakay sa motor.
"What?!" Iritable nitong tanong sa akin saka humarang sa harapan ng motor. Masama niya akong tinitigan. "Iiwan mo ako dito?"
Napabuntong hininga ako. I scratch the back of my head.
"Sakay" Tipid kong saad.
"Ako nga ang mag-dadrive"
"Sasakay ka o iiwanan kita dito?" Pagbabanta ko. Tumaas ang kikay niya at malamig akong tinitigan.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...