Chapter forty-nine
EPHRAIM
I received a text message from Orzin. Kinuha niya si mom. He threatened me that he will kill her. Papatayin niya ang mom ko kung hindi ko dadalhin sa kaniya si Vigénere. I was devasted. Gusto kong matawa dahil napaka-cliché ng naisip niyang paraan para makuha ang kaniyang gusto.
Ngunit hindi ko pa rin maiaalis ang pangamba dahil alam kong totohanin niya ang kaniyang banta. I don't know what to do. Nandito na naman ako sa dalawang bagay na pagpipilian. Pareho silang mahalaga sa akin at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Ngunit, mas matimbang pa rin naman ang pamilya diba? Ang nanay ko ang pinakamahalaga sa buhay ko kaya sa ngayon mas pipiliin ko ang kaligtasan niya.
Nakatitig lang sa akin si Vigénere sa mga mata ko at wala manlang lumabas na kahit anong salita sa bibig niya.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Napalunok ako. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang ito gagawin.
Ang magmakaawa.
"V, can you help me please?"
"Helping you for what?" Malamig nitong tanong sa akin. She's the only person who can help me right now.
"Tulungan mo akong bawiin sa kaniya si mom" Pakiusap ko sa kaniya. Bumaba ang kaniyang tingin sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.
Ilang segundo lang iyon bago niya iangat ang tingin sa akin. She's staring at me blankly. Inalis niya ang kamay ko sa kamay niya kaya para akong nawalan ng hininga.
Dismayado akong napayuko saka napalunok. Sinubukan ko lang naman pero mukhang wala siyang magagawa.
"P-pasensiya na" May kahinaang saad ko sapat na iyon upang marinig niya. Tinalikuran ko na siya saka ako nagmadaling umalis. Wala akong narinig na kahit ano habang papalayo ako.
Dumiretso ako sa labas ng bahay at naghanap ng maaaring sakyan. May sasakyan naman na kakarating lang kaya't tumakbo ako patungo roon at nang makalabas ang dirver ay puwersahan ko itong tinulak palayo.
"Hey man! What the hell are you doing?!"
Hindi na ako nag-abala pang tingnan ito. Mabilis akong pumasok sa loob at kaagad na nagmaneho paalis. Pinagmasdan ko ang taong inagawan ko ng sasakyan sa salamin ng sasakyan.
It was Morphius.
Kaya naman pala pamilyar sa akin yung boses.
Nang makalabas na ako ng estate ay kinuha ko ang cellphone ko saka tiningnan ang address na ipinadala ni Orzin. Matapos ko itong makita ay mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo.Napatingin ako sa aking kaliwang kamay na nakahawak sa manibela. Dumudugo ang pulsuhan ko dahil sa puwesahan kong pag-alis ng posas kanina. Hindi ko manlang nararamdaman ang kirot at hapdi nito. Masyado na sigurong okupado ang isipan ko kaya't hindi ko na maramdaman ang sakit.
THIRD PERSON
"Blaine, where are you going?" Andromeda asked while trying to catch up with Vigénere.
Mabilis ang mga hakbang ni Vigénere. "I need to go there"
"Ano?! Bakit ka naman pupunta doon? Nahihibang ka na ba?!" Hindi mapigilang saad ni Andromeda rito na pilit pinipigilan si Vigénere na umalis.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...