52

20 0 0
                                    

EPHRAIM

Mabilis kong sinunod ang sinabi niya sa akin. Nang maalis ko ang mga tali ay kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. Wala akong pakialam kung itulak niya man ako o kaya hampasin.

Sobra akong nag-aalala sa kaniya ngayon. Akala ko hindi na namin siya maaabutang buhay dito. Nang umalis kasi kami ni mommy sa abandonang building na iyon, hindi namin alam kung anong nangyari sa kaniya. Binalikan namin ang lugar kasama sina Zerron pero wala na sila.

Nahirapan kaming hanapin siya pero dahil sa tulong ng isang babae ay nahanap namin ito rito sa isang private hospital na pagmamay-ari ni Orzin.

"E-Ephraim, get off me" Wika nito at pilit lumalayo sa akin. "They're taking some videos and photos, dumbass"

Kaagad akong napakalas sa yakap at binalingan ang mga kaibigan namin. Mabilis nilang itinago ang mga cellphone at umiwas rin ng tingin. Mga gago. Tss.

Binalingan kong muli si V at tinulungang itayo paalis sa electric chair. She can barely walk with her own self so I helped her. Lumapit siya patungo kay insan na kausap pa rin si Orzin hanggang ngayon.

Nang makarating kami sa puwesto ni insan ay lumayo siya sa akin at yumuko rito.

"Monseigneur" Bati niya rito. Pumihit paharap sa kaniya si insan.

"We will talk at the Empire" Seryosong saad ni insan bago tumingin sa gawi ko. "Bring her back together with the Raven Clan" Utos nito kaya tumango ako. Tumingin ako kay V na mukhang hindi sang-ayon sa utos ni insan.

"Monseigneur, I want to stay here. I am not yet done with---"

"You've done enough, Vigénere Blaine. Let me do the rest. Sumama ka na kay Ephraim" There's a finality in Zerron's voice. Hinawakan ko si Vigénere sa likuran niya saka ito tinapik ng marahan. Tumingin siya sa gawi ko.

"Tara na, V. Hayaan na natin sila insan dito. Mas kailangan mo ng pahinga" Mahinahong saad ko rito. Hindi na siya umimik pa ng marahan ko itong hinila paalis.

"Where are we?" She asked.

"Nasa private hospital tayo na pagmamay-ari ni Orzin. He vacant the whole hospital para lang magawa niya ang masamang balak sa 'yo"

"But how did you guys find me?" Tanong niya bago pa man kami makalabas ng pinto. Tumango naman ako. "Paano niyo nalaman na nandito ako?"

"Someone helped us. She told us your location"

"Sino?" Kunot ang noong tanong niya sa akin.

"Hi" Bati ng isang babae sa amin. Napatingin sa gawi niya si V at napakunot noo ito.

"Siya" Tinuro ko yung babae. "She helped us to find you"

"Octavia Spencers" May kahinaang wika ni V rito kaya nagtaka ako.

"Long time no see, Blaine" Nakangiting wika naman ng babae na Octavia ang pangalan.

Napatitig ako sa kanila dahil mukhang magkakakilala ang mga ito. Ngayon ko lang kasi nakita ang mukha ng babaeng ito kaya nagtataka ako.

"What the hell are you doing here?" V asked. Salubong ang kilay nito.

"Ganiyan na ba ang tamang paraan para magpasalamat?"

"Tss. You should be thanking me" Vigénere said.

"That's why I saved your life. Hindi pa ba ito sapat bilang pasasalamat?"

"Ephraim, iwan mo muna kami" Mahinahong pakiusap sa akin ni V. Tumingin muna ako doon sa babae bago kay V saka tumango.

Lumayo muna ako sa kanilang dalawa dahil mukhang may pag-uusapan silang importante. Lumapit muna ako kay Midnight na ngayon ay nakasandal sa pader at naninigarilyo na pinagmamasdan sina insan at Orzin.

A Fatal Desire [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon