Chapter Eight
THIRD PERSON
Susuray-suray na lumabas ng RED club ang isang lalaki. Saglit itong tumigil upang hawakan ang kaniyang ulo at iniling ito na waring inaalis ang pagkahilo. Ipinagpatuloy nito ang paglalakad habang kinakapa ang mga bulsa ng pantalon para hanapin ang susi ng sasakyan.
"Where did I put my key?" Inis nitong tanong sa sarili saka tumigil sa tabi ng sasakyan niya at humawak roon upang kumuha ng suporta.
Nang tuluyan niyang mahanap ang susi ng sasakyan ay natawa ito saka tinampal ang sariling noo.
"Nandito ka lang pala?" Napasinok ito matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon.
Bumaling ito sa pinto ng sasakyan niya upang buksan ito pero hindi niya halos magawa dahil may tama na ito ng alak.
"Godamit!" He shouted in annoyance and scourge the door of his car.
He was about to put the key in the keyhole when five people appear in front of him. All those men wore black clothes and caps. They're holding baseball bats. Ang mga ito ay may nakapaskil na ngisi sa mga labi.
"Kung sinuswerte nga naman tayo. Siguradong matutuwa nito si Boss" Sabi ng isa na nasa gitna habang pinapaikot sa kamay ang baseball bat.
"Sino kayo?" Kunot ang noong tanong ng lalaki habang nakahawak sa bubong ng sasakyan nkya upang suportahan ang sarili.
"Hindi mo na kailangang malaman" Sagot naman ng isa na nasa tabi ng lalaking nasa gitna.
"Itumba na ba natin?" Tanong ng isa na nasa likuran.
Napalunok ang lalaki dahil sa sinabi ng hindi na nakikilalang tao. Hindi nito alam kung anong atraso niya sa mga ito. Napahawak siya sa kaniyang ulo ng makaramdam ulit ng hilo.
"Wala akong atraso sa inyo kaya lubayan niyo ako!" Sigaw niya sa mga ito.
"Wala kang atraso sa 'min pero malaki ang pabuya"
Napakunot ang noo ng lalaki. "Pabuya? Anong pabuya?"
Hindi siya sinagot ng mga ito. "Sige, itumba niyo na 'yan. Ngayon lang tayo may pagkakataon!" Utos ng lalaking nasa gitna.
EPHRAIM
Tangina! Wala akong nagawa kung hindi ang mapaatras habang lumalapit sa gawi ko ang dalawalang lalaki na hindi pamilyar sa 'kin. Muntik na akong mawalan ng balanse ng makaramdam ulit ako ng hilo. Ipiniling ko ang ulo ko para mawala ito.
Lumapit ang isa sa kanan ko upang hawakan ang braso ko pero mabilis ko itong sinipa sa sikmura dahilan para mapaatras ito. Ang isang lalaki naman na nasa kaliwa ko ay sinuntok ko sa mukha. Ang akala ko ay makakatakas na ako mula sa kanila pero nakalimutan ko na may tatlo pa pala, hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko at naramdaman ko ang sipa nito na tumama sa likod ko.
Shit. Natumba ako sa isang sasakyan kaya napahawak ako roon.
"Ano?! Lalaban ka pa?" Mapang-uyam na tanong ng kung sino. Hindi ako nakasagot ng makaramdam ako ng hilo. "Anooooo?!"
Nairita ako sa sigaw nito kaya kaagad akong humarap sa kanilang lima pero kamao ang sumalubong sa akin. Napapikit ako ng mariin at ininda ang sakit sa panga na natamo ko. Mas masakit ito kumpara sa sipa kanina sa likuran ko. Nagtawanan ang mga ito na lalong ikinainis ko.
Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko kaya napadura ako. Natawa ako dahilan para tumigil ang mga ito sa pagtawa. Hinawakan ko ang panga ko at ipiniling ang ulo. Hindi ko magawang makabalik sa huwestiyo agad dahil sa tama ng alak. Mataas ang alcohol tolerance ko pero kapag nakasobra ako ng isang dosena ay hindi ko na iyon kaya pa.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...