10

27 0 0
                                    

Chapter Ten

EPHRAIM

It's been three days since I woke up. I slowly regained my strength but I am not yet fully healed from all the wounds and bruises. I also had fracture in my left leg and ribs that's why I can't easily move my body.

Kailangan ko pa ng tulong kahit simpleng pagkain o pagbibihis. Mom is always here to help me while dad is busy finding those punks. I know it was intentional since I heard one of them that someone ordered them to do that.

Sinabi ko na kay Zerron ang narinig ko sa kanila. Sa ngayon, hinahanap pa rin nila kung sino ang may gawa.

"Are you sure that you're okay?" Mom ask as she put the food on the bedside table. I nodded.

"Don't worry, Mom. I'm fine"

"Okay, take a rest muna. Lalabas lang ako saglit para bumili ng mga necessities. Eastrella informed me that she will be here kaya may makakasama ka dito. Don't worry about your safety, there are bodyguards outside of your room"

I just nodded. Lumabas na ito ng room ko. Napabuntong hininga ako saka binuksan na lang ang tv. Napakaboring lagi ng buhay ko dito. Gumugulo lang naman kapag nandito na 'yong mga ungas.

Eastrella also visits me when she have a free time. Siya ang sumasama sa akin dito kapag wala si mom. Nakakapanghinayang nga at hindi ako nakadalaw sa mga bata sa bahay-ampunan. I know they're expecting me to be there.

Although si Eastrella na mismo ang nag-inform sa kanila kung anong nangyari sa akin, alam ko pa rin na na-disapppoint sila.
Bale, sinabi lang ni Sister Esmeralda na nagkasakit ako kaya hindi ako nakarating pero alam nila ang tunay na nangyari. Ginawan na lang nila ng alibi para hindi mabigla ang mga bata.

Lahat ng mga letters naman na natanggap ko ay galing sa mga bata. They are praying for my fast recovery and they are expecting me to visit them next time. Nakakataba talaga ng puso.

I snap out from my thoughts when I heard a knock.  The door creaked open. I saw Eastrella peep on the door with a smile. Tuluyan siyang pumasok sa loob. Bitbit pa nito ang coat niya. It means galing siya sa office.

"Hey, kumusta?" Agarang tanong niya.

"Ito mukhang matatagalan pa bago maka-recover"

Pinatay ko muna 'yong tv.

"Sus. Alam ko magiging okay ka rin" She assured me. Umupo ito sa upuan na nasa tabi ng kama ko. "By the way, did you receive all the letters?"

"Yes. Nabasa ko na rin lahat. How sweet. Mas lalo ko tuloy silang na-miss. Kapag gumaling na ako dadalawin ko sila"

"You should kasi they are expecting you to visit them. Miss ka na rin ng mga bata"

Natawa naman ako ng marahan. "By the way, how is the event?"

"Naging maayos naman. Mas naging masaya pa sila ng may dumating na package. We are not expecting that someone will sent a lot of foods, clothes, school supplies, necessities, and toys for the kids"

"Really? Sinong nagbigay?"

"Well, Sabi sa akin ni Sister ay dati rin daw na nasa bahay-ampunan ang nagpadala ng mga iyon. Inampon daw ito ng mayamang mag-asawa na taga-Canada. Bilang tulong ay binibigyan nito ng suporta ang foundation"

A Fatal Desire [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon