Chapter forty-three
VIGÉNERE
I shook my head and let out a heavy sigh. Hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Ephraim kanina. He is really mad at me.
Hindi ko maaaring manlambot dahil lang sa ekspresiyon ng mukha nito. I need to calm down my damn self. Wala sa bokabularyo ko ang makaramdam ng kahit ano para sa ibang tao.
Napatigil ako sa pagtakbo ng may marinig akong mga yabag sa isang corridor na malapit sa puwesto ko. Kaagad akong nagkubli sa haligi ng bahay dahil pinaulanan ako nito ng bala.
Nang tumigil sila sa pagbaril ay ako naman ang bumaril sa mga ito. Mabilis ang bawat galaw na ginagawa ko dahil alam ko na hindi lang sila ang nandito.
I lost contact with Morphius and Kian. Hindi ko rin mahanap rito si Orzin. Nawala siya na parang bula. Kaagad akong nag-dive patalon sa may sofa ng may isang armadong lalaki na may hawak na machine gun na lumitaw sa harapan ko.
Pinaulanan ako nito ng bala kaya't napamura ako. Lahat ng natatamaan nito ay nagkapira-piraso. Nang tumigil ito sa pagpapaputok ay kaagad akong tumayo at binaril ang taong iyon.
Bumagsak ito sa sahig na butas ang noo. Narinig ko naman ang mahinang yabag sa kanan ko. Kaagad akong napayuko ng marinig ko ang rumaragasang kunai na patungo sa direksiyon ko.
Napatingin ako roon at doon ko nasilayan ang isang babae na nakasuot ng itim na damit at may takip na itim na tela ang kalahati ng mukha. Hawak nito sa mga daliri ang sampung kunai.
Based on her posture, I know that she is an assassin like me. Tumakbo ito patungo sa puwesto ko at ibinato sa direksiyon ko ang limang kunai, maagap akong napatalon ng mataas kaya't naiwasan ko ang dalawa na tatama sa paa ko.
Ang dalawa naman na tatama sa braso ko ay naiwasan ko rin ng umikot ako sa ere. Ang isa na dapat na tatarak sa aking noo ay naiwasan ko ito ng payuko akong bumagsak sa sahig.
Hindi pa man ako nakakatayo ay ibinato na naman nito ang natitirang limang kunai sa direksiyon ko. Maagad akong napagulong sa sahig kaya't tumarak iyon lahat doon.
She is strong but I know her weak points. Tumayo ako saka sinubukang lapitan siya pero pinapaulanan ako nito ng shurikens. Naririnig ko ang mga nababasag na gamit sa likuran ko na natatamaan nito.
I smirked. Inilabas ko ang stiletto dagger sa likuran ko saka sinugod siya. Alam ko na hindi siya sanay sa short range. Maybe, this is my opportunity to kill this bitch.
Tumalon-talon ako sa mga mesa at sofa na nandito. I also use the pillars para makarating sa kaniyang puwesto. Nang tuluyan akong makarating sa harapan niya ay inundayan ko ito ng saksak sa dibdib pero naiwasan niya.
Sinaksak niya ako sa kaliwang tagiliran pero nahawakan ko ang kaniyang braso. I twisted it. Napahiyaw ito sa sakit. But to my surprise, she punched me with her free hand on my right cheek. Ngunit hindi pa man ito tumatama ay napabend ako patalikod ng kaunti kaya't lumagpas ito sa akin.
Sa isang iglap ay binitawan ko ang kaliwang braso niya saka ko hinuli ang kanang braso niya at kaagad akong umikot papunta sa kaniyang likuran saka ko hinawakan ang batok niya gamit ang kanang kamay kung nasaan ang stiletto dagger.
Kaagad ko siyang tinulak papunta sa sahig saka ginamit ang kanang tuhod ko para daganan ang likod niya. I heard the cracking sound of her bones after I did that.
Napahiyaw ito sa sakit. Napadapa ito sa sahig at napaubo.
"Where's Orzin?" Mariing tanong ko rito. She just laughed. Sa galit ko ay ginakit ko ang stiletto dagger para saksakin ng tatlong beses ang braso niya na hawak ko.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...