After 6 months
EPHRAIM
Bumaba ako ng sasakyan at nagmadaling tumungo sa loob ng isang flower shop. Sinalubong ako ng isang babae sa labas na kasing edad lang ni mommy.
"Good morning po" bati ko sa kaniya.
"Magandang umaga rin. Tulip ba ulit, Hijo?"
"Opo" Nahihiyang sagot ko saka napakamot sa aking batok. "Kulay dilaw po na tulip pero dagdagan niyo po ng puting rosas"
Napangiti naman siya. Ibinaba niya ang hawak na sprinkler can. "Himala at naiba naman ngayong linggo. Puro tulip lang kasi ang binibili mo rito noonh nakalipas na dalawang buwan"
Sumunod ako sa kaniya papasok ng flowershop. The sweet and fruity scent of flowers lingered in my nostrils as we entered the shop.
"Gusto ko lang pong dagdagan ng bago ngayon. Para naman hindi siya magsawa sa tulip"
"Tiyak na hindi siya magsasawa dito, Hijo. Alam ko na tuwang-tuwa iyon sa mga bulaklak na ibinibigay mo sa kaniya kada katapusan ng linggo. Ang suwerte naman ng binibigyan mo nito" Nakangiting pahayag niya habang inaayos ang mga bulaklak na bibilhin ko. Napangiti rin ako. Napatingin siya sa akin. "Sino ba ang binibigyan mo nito, Hijo? Nililigawan mo palang ba o girlfriend mo na?"
"Hindi ko po alam kung ano ang tamang term na tawag dun. Basta po gusto ko lang siyang alayan ng mga bulaklak na 'to"
"Mahal na mahal mo talaga siya ano?"
"Sobra po"
"Sana ay sagutin ka na niya, Hijo"
Napabuntong hininga ako saka ngumiti ng tipid. Hindi ko nasagot ang sinabi niya dahil alam kung walang kasiguraduhan...at walang pag-asa na mangyari iyon.
Ilang minuto pa ang hinintay ko at natapos na rin ang mga bulaklak. Nagpasalamat ako sa kaniya at umalis na ako ng flowershop. Napatingin ako sa aking wrist watch at napansin kong malapit ng mag-lunch time.
Nagmadali akong sumakay ng sasakyan saka ito pinaandar paalis. Nag-ring naman ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang caller. It was Eastrella.
Sinagot ko naman kaagad ang tawag. "Hello"
[Hi, Ephraim. Kumusta ka na?]
"I'm fine"
I heard her sigh on the other line. [Are you sure?]
"Don't worry, East. Ayos lang ako"
[Okay. Saan ka ngayon?]
"I'm on my way to the cemetery" Napalunok ako matapos itong sabihin. Matagal siyang hindi nakaimik.
"Sige. Dadaan ako mamaya sa office mo. I'll bring some macaroons]
"I'll see you later then" Nakangiting wika ko.
[Alright. Bye. Ingat ka]
Matapos ang tawag ay itinago ko na ulit ang cellphone ko saka mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Ilang sandali pa ay narating ko na ang sementeryo.
Ipinark ko ang sasakyan saka ako lumabas at inilabas ang bulakalak. Napabuga ako ng hangin saka pinagmasdan ang buong paligid. Isang malamig na dapyo ng hangin ang sumalubong sa akin bago pa man ako tuluyang nakapasok sa loob.
Nang tuluyan kong marating ang puntod ng taong pakay ko ay inilapag ko ang puting rosas doon saka ako umupo sa damuhan.
"Hi. It's been awhile" Bigkas ko. Hinawakan ko ang lapida nito. "Parang kailan lang nangyari ang lahat. Hindi pa rin ako sanay na wala ka na. Akala ko magkakasama pa tayo ng matagal. I miss you so much"
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...