26

23 0 0
                                    

Chapter Twenty-six

EPHRAIM

Dumiretso ako sa labas ng hotel at tumungo sa tent na ginawa namin kanina. Kumuha ako ng tubig saka ininom ito ng dere-deretso. Napabuga ako ng hangin matapos kong maubos ang isang 50 ml bottled water.

Hays. Nasabi ko talaga 'yon sa kaniya? Napatitig ako sa kawalan at napahawak sa ibabang labi ko. Paniguradong galit 'yon sa akin ngayon.

"Hey, ayos ka lang?"

Napabaling ang tingin ko kay Eastrella ng lapitan niya ako. Umayos ako ng tayo dahil medyo nagulat ako sa pagsulpot niya. Tumango naman ako saka ibinato ang plastic bottle na wala ng laman sa pinakamalapit na basurahan.

"Saan ka pala galing? Bigla ka na lang nawala kanina"

"Pinuntahan ko muna siya"

"Kinausap mo?" I nodded. "Anong sabi niya?"

Tinungo niya ang lagayan ng ice cream. Inilabas niya roon ang dalawang ice cream na nasa popsicle stick. She offered me one na tinanggap ko naman.

"Hindi niya naman daw sinasadyang paiyakin 'yong mga bata"

"Kahit hindi niya sinasadya 'yon dapat nag-sorry na lang siya dun sa mga bata at pinatahan niya" Hindi naman ako nakaimik dahil may point naman talagasiya. Sumandal siya sa mesa at binuksan ang ice cream.

"Malabong mangyari 'yang sinasabi mo" I said as I exhale some air.

"Halata nga e. I notice that she's not used to people, hindi siya marunong makipaghalubilo"

Pati pala iyon napansin niya. "You have a keen eyes huh?"

"Syempre naman. Ikaw ba naman laging nakikipaghalubilo sa tao malamang ay sanay ka na sa pag-analisa at obserba sa kanila" Natatawang pakli nito kaya napangiti na lang ako. "Kaya alam ko na kaagad kung anong klase siyang tao pagkakita ko palang sa kaniya"

I guess not so. Hindi mo pa siya kilalang lubusan.

"Mahiyain lang talaga siya kaya ganun" Sagot ko makailang segundo ang nakalipas.

Puro alibi na lang ang sinasabi ko sa kaniya ngayon.

"Pagiging mahiyain ba 'yong ginawa niya kanina? I didn't know if she's aware that she's wrongㅡthat it was her mistake" She faced me. "Ganiyan ba talaga siya? Wala siyang pakialam kahit may nasasaktan siyang iba?"

Umiwas ako ng tingin at napatingin sa hawak kong ice cream.

"She's indeed like that. Minsan nakakasakit na rin ng damdamin kapag magsalita siya" Napatingin ako sa malayo. Ilang beses na niyang sinaktan 'yong damdamin ko. She's a straightforward person and her intrusive thoughts always win.

But, I know that it was her defense mechanism, she throw hurtful words towards other people intentionally to make them leave.

"Minsan ka na rin ba niyang pinagsalitan ng masama?"

Maraming beses na. "Isang beses lang naman. Normal naman 'yon sa tao e."

Hindi naman siya umimik. Tumingin ako sa kaniya.

"It's not because she's not aware that she hurt other people but she doesn't know how to contain herself from hurting them" Naramdaman ko ang lamig ng ice cream sa kamay ko na nagdudulot ng unti-unting pamamanhid ng balat ko.

Hindi siya marunong makisama sa iba, hindi marunong ngumiti, at hindi rin marunong humingi ng tawad. Maikli ang pasensiya at nasanay na magsalita ng nakakasakit sa kapuwa.

A Fatal Desire [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon