Chapter forty-seven
EPHRAIM
She sat down on the single chair near my bed. My eyes were still on the gun that she aimed at my temple earlier. Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Ilang sandali pa ay kumulog ng malakas kaya napaigtad ako sa gulat.
She was still there unmoving. Napatingin siya sa salamin na bintana kung saan unti-unting pumapatak ang butil ng ulan.
"V, wala ka bang sasabihin sa akin? Akala ko ba sasabihin mo sa akin ang lahat?"
"I'm just thinking of the possible consequences if I tell you everything tonight" Umpisa niya bago tumingin sa gawi ko. "Handa ka naman siguro sa kung ano man ang maririnig mo diba?"
Napabuntong hininga ako saka umayos ng upo sa kama.
"Handa man o sa hindi, kailangan ko pa ring malaman ang lahat kaya't huwag mo na sanang patagalin pa" Seryosong saad ko.
Matunog siyang napabuga ng hangin. "After my dad died, someone told me that it wasn't an accident. Hindi namatay ang dad ko dahil sa heart attack. May pumatay sa kaniya"
Those words that came out in her mouth made me freeze. Hindi ako umimik kahit gusto kong magtanong kung saan niya nalaman ang balitang iyan. Sir Elixir died due to a heart attack. Iyan ang sabi sa amin.
"To tell you the truth, sumali ako sa organisasyon ninyo hindi lang para ipagpatuloy ko ang naiwang trabaho ng papa ko kung hindi para na rin hanapin ang pumatay sa kaniya"
Napalunok ako. Kinutuban ako ng masama sa isiniwalat niya sa akin ngayon. Damn.
"Being trained to be one of the best assassins gave me advantage in finding my dad's killer. While staying in the organization, I met a lot of people. I also met the person who I saw aiming the gun behind my father's back. Hinanap ko yung tao na iyon dahil posibleng may galit siya sa dad ko. I want to know the reason behind it"
Ibig sabihin, nalaman niya kung sino yung possible na pumatay sa dad niya. Yung taong iyon ay nagtatrabaho sa organisasyon namin.
"Mas lumakas ang kutob ko ng may mensahe akong natatanggap mula sa isang tao at mga litrato na nagpapatunay na pinatay nga ang tatay ko. Hindi niya direktang sinasabi kung sino ang taong iyon pero palagi niya akong binibigyan ng hint"
Npakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sino ba ang tinutukoy mong nagpapadala sa iyo ng mga mensaheng iyon?"
"Orzin Cortez, my foster mother's hidden brother" Malamig niyang sagot. Hindi naman ako makapaniwala. Orzin. Ang taong kamuntikan ng bumilog sa isipan ko para pumatay ng tao. Akala ko ay tunay siyang kaibigan pero minamanipula niya lamang pala ako.
Kung hindi dahil sa lalaking iyon ay malamang nakagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko habangbuhay dahil sa galit.
"Bakit niya iyon ginagawa at paano niya nalaman na pinatay ang daddy mo?"
"Obviously, he is spying on me. Siya yung tao na matagal ko ng gustong mahanap dahil may gusto akong malaman sa nakaraan ko. Siya yung tao na lagi na lang ginugulo ang buhay ko" Napa-cross arms siya saka pumikit at sumandal sa upuan. "He is also using you against me. Remember the incident at the RED? He is also behind that"
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...