EPHRAIM
Palapit pa lang ako sa lugar ay napansin ko na kaagad ang dalawang palapag na bahay. This place is far from the city, surrounded by trees and untrimmed bushes. Mukhang matagal na ring hindi tinitirhan ang bahay na ito.
Tinigil ko ang sasakyan sa labas ng sira-sirang gate na gawa sa bakal. Bago ako lumabas ay kinuha ko ang aking cellphone at nagtipa ng mensahe kay Zerron para humingi ng back-up. Siya na lang ang tanging maaasahan ko sa ngayon.
Matapos kong magtipa ng mensahe ay binuksan ko ang location ng cellphone ko saka ito iniwan sa loob ng sasakyan.
Wala akong napapansin na tao sa labas, napakatahimik ng lugar. Ngunit alam ko na may mga natang nakatingin sa akin, pinagmamasdan lamang ako. Mga dulo ng baril na nakaabang at handang iputok anumang oras sa bungo ko.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng abandonadong building. I was worried with my mom. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa mom ko.
Hindi ako papayag na mawalan na naman ako ng isang mahal ko sa buhay.
Nang tuluyan akong makapasok sa loob ng bahay ay kumukurap na lumang ilaw ang bumungad sa akin. Madilim ang buong lounge at halatang matagal na panahon ng hindi ginagamit. I was like in a horror movie right now.
"Orzin!" Malakas kong tawag rito saka napalinga-linga. Mabilis kong tinahak ang nag-iisang daanan patungo sa kung saan. "Where the hell are you?!"
Halos takbuhin ko na ang buong lugar para lang mahanap sila. "Huwag mong sasaktan ang mom ko!"
Napatigil ako sa pagtakbo ng marating ko ang dulo ng pasilyong tinatahak ko. Napalinga-linga ako at isang malawak na bulwagan ang aking nakita. Isang impit na iyak ang narinig ko mula sa kung saan kaya kaagad itong hinanap ng mga mata ko.
Nadurog ang puso ko ng makita ang ina ko na nakatali sa isang upuan at may takip ang bibig.
"Mom!" Mabilis akong tumakbo patungo sa direksiyon niya. Kaagad kong inalis ang busal sa kaniyang bibig.
"A-Anak, you should not be here" Nag-aalala nitong wika. Umiling lamang ako at sinubukang alisin ang tali sa katawan niya pero natigilan ako ng mapansin ang isang bagay na nakakabit sa likuran ng upuan.
A-A bomb. Natigilan ako habang pinagmamasdan ang numero na unti-unting nababawasan. Isang minuto at sampung segundo na lang ang natitira. This a motion sensor bomb. Sa oras na galawin ko ito ay tiyak na sasabog ito at pareho kaming mamamatay.
Napatayo ako ng tuwid at napasabunot sa aking buhok. Napalinga-linga ako pero wala akong makita na kahit sino rito. Napaluhod ako sa semento at hinawakan ang kamay niya.
"Nak, just leave. P-Pabayaan mo na ako dito. We can't detonate this bomb, siya lang ang makakagawa no'n. Habang may oras pa ay umalis ka na" Pagmamakaawa niya habang umiiyak. Napayakap ako sa kaniya.
"H-Hindi po. Ayoko pong umalis dito na hindi kayo kasama. Ayoko pong pati kayo ay iwan din ako katulad ni d-dad" Pumiyok ako sa huling salitang binitawan ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.
May narinig akong yabag na papalapit kaya't napabitaw ako sa yakap at kaagad na napatayo. May kadiliman ang silid na ito kaya hindi ko kaagad maaninag kung sino siya.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...