Chapter Thirty-nine
EPHRAIM
"Aalis ka ulit, Ephraim?" Tanong ni mom habang pababa ako ng hagdan. Nakasalubong ko ito na bitbit na naman ang isang tray ng pagkain.
"Opo" Maikling sagot ko habang inaayos ang suot na jacket.
"Gabing-gabi na a?"
"Kailangan ko pong bumalik sa office dahil may pipirmahan akong papeles"
"Hindi ba puwedeng ipagpabukas mo na lang iyan?"
"Pasensiya na po. Kailangan ko talagang asikasuhin 'yon ngayon"
Napabuntong-hininga siya saka ngumiti ng tipid.
"Kainin mo na lang muna ito bago ka umalis" Inalok niya sa akin ang tray ng pagkain kaya kahit nagmamadali ako ay kinuha ko ito sa kamay niya saka ako tumungo sa center table na nasa sala at inilapag iyon roon.
Umupo ako sa sofa at siya naman ay pumwesto sa cushion na nasa tapat ko. Sinimulan ko na lang itong kainin.
Ramdam ko ang titig niya habang kumakain ako na isinawalang-bahala ko lamang. May naalala naman ako kaya't itinigil ko ang pagnguya saka tumingin sa gawi niya.
"Pumasok po ba kayo sa kuwarto ko kagabi?"
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo hudyat na nahihiwagaan siya sa tanong ko. Sunod nito ay ang kaniyang pag-iling.
"Pagkatapos kong maghatid ng pagkain sa kuwarto mo ay hindi na ako bumalik pa ulit. Bakit mo natanong, anak?"
"Nawawala kasi 'yong sulat na ibinigay sa akin ng ka-meeting ko noong isang araw" Sagot ko saka ibinaba ang kutsara at tinidor. Tumayo ako pagkatapos kong inumin ang tubig.
"Baka naman nailagay mo lang sa kung saan"
Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Baka nga po. Sige aalis na po ako. Salamat sa pagkain"
Hinalikan ko ito sa pisngi saka ako naglakad paalis. Hindi na ako nag-atubili pang lingunin siya. Alam ko na malungkot na naman ang ekspresiyon ng kaniyang mukha at iniiwasan kong makita iyon.
Habang papunta ako sa garahe ay iniisip ko pa rin kung saan ko isinuksok ang sulat na iyon dahil sa pagkakaalala ko ay inipit ko iyon kasama ng contract agreement.
Nakakapagtaka rin na paggising ko ay may kumot na ako samantalang natulog ako last night na wala manlang kakumot-kumot.
Minumulto ba ako ni dad? Kung sakali man ay hindi ako natatakot na makita siya ulit. I miss him so much.
Pumasok ako sa loob ng aking sasakyan at bumiyahe patungo sa lugar na sadya ko. Ang totoo niyan ay may iba akong lakad ngayong gabi. Isang importanteng mission.
Nakarating ako sa lugar na ngayon ko lang napuntahan. This is the old house of Vigénere and my instinct is telling me that she's staying here. Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang lumang bahay.
Tahimik at walang anumang kahit ano sa paligid. Nakapaghanap na kaya sina insan at lolo rito? Malamang ay hindi pa. Mabuti naman at nauna kami rito.
Napabaling ako sa bandang kaliwa ko ng makarinig ng kaluskus. Nakita ko doon ang isang bulto ng lalaki na paparating sa kinaroroonan ko. Umayos ako ng tayo.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...