31

17 0 0
                                    

Chapter Thirty-one

TIERRA

Pakanta-kanta ako habang palabas ng sasakyan ko. Masaya lang ang araw ko ngayon kasi nakatanggap na naman ako ng bonus. Ganito talaga kapag ginagalingan ko sa trabaho. Uto-uto lang talaga 'yong gurang na lalaking C.E.O. na iyon.

Wala siyang kamalay-malay na ginagawa ko lang ito dahil sa pera. Iba talaga kapag maganda ka dagdag na rin iyon sa charm mo para tumaas kaagad ang porsyento ng suweldong natatanggap mo. Sabihin na nilang manggagamit ako at mukha akong pera pero ganun naman talaga ako. Ito ang role ko sa mundo.

Wala e. Masaya ako sa ginagawa ko kapag may naloloko akong tao. Well, kasalanan na nila iyon kung nagpapaloko sila sa akin. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay nauuto ko pa rin ang Empire at si Blaine dahil sa pekeng pagkatao ko. Ang bilis nilang tumanggap ng tao kahit kaunting dokumento lang ang hawak.

Naturingang pinakamalakas na clan pero bobo at hindi mahigpit pagdating sa seguridad. Tsk. Napailing na lang ako saka pinindot ang elevator. Pumasok ako sa loob at pinindot ang unit floor ko. Napatingin ako sa damit ko na bago na ulit. Ang sarap huminga kapag totoong ako na ang nabubuhay ulit sa ganitong oras.

Ang pagpapanggap bilang Tierra Vizcaino ay nakakapandiri minsan. Nakakainis rin ang pagsusuot ng mainit at masikip na maskarang huwad ng mukha ni Tierra. Pero de bale na, ang importante may nakukuha akong pera.

Nang marating ko ang unit ko ay napaling-linga muna ako bago binuksan ang pinto. Pumasok kaagad ako sa loob saka isinara ito. Napahikab ako saka tinungo ang switch ng ilaw. Hinubad ko ang sapatos ko matapos kong buksan ang ilaw saka ko isinuot ang fliplops.

Dumiretso ako sa maliit na sala nitong condo unit ko.  Hindi pa man ako tuluyang makapasok ay naudlot ako sa paglalakad ng may mapansin akong tao na nakahilata sa couch. Nagbabasa ito ng magazine kaya natatakpan ang kabuuan ng mukha niya.

Sumikdo ang puso ko dahil alam ko na nasa panaganib ako. Walang nakakaalam na sinuman kung saan ako nakatira. Kahit pa na hindi na ako ngayon si Tierra Vizcaino ay wala akong ni isang kaibigan dahil mas pinili ko ito.

Marahan kong inilapag ang paper bag sa itaas ng maliit na cabinet at hinawakan ang dagger sa tagiliran ko na lagi kong dala-dala. Mabilis ko itong ibinato sa kaniya pero nasangga niya ito gamit ang magazine. Tumusok ang dagger roon.

Nang mawala ang nakaharang sa kaniyang mukha ay nagitla ako ng makita kung sino ang nasa condo ko ngayon. Nilukob ako ng takot at pangamba. Paanong...

Umayos ako ng tayo at kinalma ang sarili. Ang kailngan ko lang gawin ngayon ay kumalma at siguraduhing hindi ako mabibisto kahit alam ko naman na mukhang natuklasan na niya kung sino talaga ako.

"Miss, paano ka nakapasok sa condo ko?" Lakas-loob kong tanong kahit ang totoo ay nanginginig na ang mga daliri ko sa paa dahil sa kaba.

Umupo ito ng maayos at tiningnan ang magazine saka binunot ang dagger na ibinato ko.

"You have a nice and cozy home, huh?" Malamig nitong puna bago ako balingan ng tingin. Napaatras ako ng kaunti dahil akala ko ay ibabato nito sa akin ang dagger.

Isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi niya.

"Sino ka ba at bakit ka nandito?"

Nawala ang ngisi sa labi niya. Sa isang iglap ay dumiretso sa gawi ko ang dagger. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa sobrang bigla. Dumaan ito sa gilid ng pisngi ko at narinig ko ang pagbaon nito sa dingding na nasa likuran ko.

"Quit the act, Tierra. Or should I say, Octavia Celeste Spencers"

Napaluhod ako sa sahig at napahugot ng malalim na hininga dahil pakiramdam ko ay matagal kong pinigilan ang paghinga ko. Itinukod ko ang dalawang kamay sa sahig saka napatingin roon ng may mahagip ang pulang likidong pumapatak.

A Fatal Desire [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon