Chapter Twenty-three
THIRD PERSON
Masayang-masaya ang mga bata habang nagtatampisaw sa dagat. Ang ilan sa mga ito ay sinusubukan ang iba't-ibang inflatable play structures katulad ng slides, towers, bridges, human launchers, swings, at marami pang iba.
Isang beses lang sa isang taon nila ito mararanasan kaya't sinusulit na nilang lahat. Wala namang dapat ipag-alala dahil nariyan naman ang mga life guards ng resort at syempre hindi rin nawawala ang mga personal na tauhan ni Ephraim para bantayan ang mga bata.
Alam niyang magiging ligtas sila dahil magagaling ang mga ito sa paglangoy at paglapat ng paunang lunas. Kailangan niyang masiguro na hindi mapapahamak ang mga bata.
Si Ephraim ay naroon lamang sa isang tabi at naghahanda ng mga pagkain kasama nito sina Eastrella, Sister Esmeralda at ilang kawani ng orphanage.
Lumapit sa kaniya si Sister Esmeralda at inilapag ang spaghetti sa mesa.
"Maraming salamat, Hijo" Nakangiting saad niya rito. "Alam ko na malaki-laki ang nagastos mo sa outing na ito"
Inilapag ni Ephraim ang mga baso sa mesa. Ngumiti siya kay Sister Esmeralda. "Ayos lang po 'yon. Huwag niyo na po isipin 'yong gastos ang importante po ay nag-eenjoy ang mga bata"
Napatingin siya sa gawi ng mga bata na naghahabulan sa buhangin at nagtatawanan.
"Ngayon ko lang nakita 'yang mga ganiyang ngiti sa labi nila" Naiusal ni Sister Esmeralda. "Ang gaan sa puso na makita ang totoong tuwa sa mga mukha nila"
"Kaya nga po. Minsan lang ito kaya't sulitin na lang natin" Masiglang wika ni Ephraim saka tinapik si Sister Esmeralda sa balikat.
"Ang bait mo talaga, Hijo. Masyado kang lapitin sa mga bata"
"Mahilig lang po talaga ako sa mga bata at gusto ko lang makatulong" Kahit hindi ko naranasan na mawalan ng magulag, alam ko pa rin ang pakiramdam kung gaano iyon kasakit. "Saka natutuwa po ako kapag makita ko 'yong mga ngiti nila"
Napatango-tango naman si Sister Esmeralda.
"Ilang taon ka na nga ngayon?"
Kinuha ni Ephraim ang Buko salad kay Eastrella.
"Twenty-seven years old na po ako"
"Talaga? Aba'y puwede ka na palang mag-asawa kung ganoon"
Nahihiyang natawa naman si Ephraim. "Wala pa po sa isipan ko 'yan, Sister"
"Ganoon? Aba'y successful ka na rin naman. May negosyo, may bahay at lupa, may ipon. Kulang na lang sa iyo ay asawa at anak, Hijo"
"Naku, Sister. Masyado pong pihikan sa babae 'yang si Ephraim" Sabat naman ni Eastrella sa tabi ni Ephraim saka natawa. Napakamot na lamang si Ephraim sa kaniyang batok.
'Parang kailangan ko ng sumibat ngayon' Sabi niya sa kaniyang isipan dahil ayaw niya ng ganitong mga usapan.
Napainom naman siya ng tubig. Umusog siya ng kaunti palayo sa mga ito upang kunin ang kanin para ilagay sa mesa.
"Aysus. Bakit hindi na lang kayo ni Eastrella ang mag-asawa?" Saad ng isa nilang kasama kaya napabulunan naman si Ephraim.
"Oo nga. Maganda naman itong si Eastrella at pareho kayo ng hilig. Aba'y puwedeng-puwede" Sang-ayon naman ni Sister Esmeralda kaya nagkantiyawan silang lahat.
"Naku, siguradong matutuwa ang mga bata niyan kapag kayong dalawa talaga ang magkatuluyan" Sabat naman ng isa.
Napatingin si Ephraim kay Eastrella na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan at kaunting kilig na nararamdaman. Pagak na napatawa naman si Ephraim at inilapag ang kanin sa mesa. Muntik pa nga itong mahulog kanina dahil sa kaniyang narinig.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...