Chapter Twenty-Eight
EPHRAIM
"Ephraim, inomsh pa tayooo" Eastrella is obviously drunk right now. Iwinawagayway nito ang bote ng alak sa ere.
Napatingin ako sa wristwatch ko at halos hatinggabi na ng matapos kami. Susuray-suray na umalis sina Mang Isko pati ang mga kasama nito para matulog na. Naiwan naman kaming dalawa rito dahil ako ang nagligpit ng ibang kalat.
I'm a little bit tipsy. Nakadepende kasi sa inumin ang alcohol tolerance ko. Kinuha ko sa kamay ni Eastrella ang bote at inilagay sa case.
"Shaan na 'yong babaeng 'yon? Magtutosh kami!" She yelled and raise her fist then laugh.
Napailing na lang ako saka tinulungan siyang tumayo dahil natumba na naman ito sa buhanginan.
"Naliligo ka na ng buhangin" Puna ko habang hinihila siya ng marahan patayo.
"Hooooooy! Ano ba naman itoooooo! Dibaaaaa! Tanginaaaaa!" Sigaw nito at ginawang mikropono ang bote na nakuha na naman niya sa mesa.
Napatakip ako sa tainga dahil sa kanta niya na wala rin naman sa tono.Kinuha ko sa kamay niya ang bote at inilapag sa mesa.
"Tama na. Tara na"
"Hindeeee! Kailangan ko shya makita dahil hindi pa kami taposh! Vinreger, Lumabash ka!"
Natawa ako sa itsura nito. "Sinong Vinreger?"
"Vingener! Lumabash ka!"
Hinawakan ko ito sa braso saka hinila ng marahan dahil tatakbo na naman ito papunta sa kung saan. Iba talaga ng nagagawa ng alak sa tao. Tsk. Tsk.
"Tara na" Hinila ko ito patungo roon sa hotel.
Hindi ito pumalag.Pasuray-suray siya habang akay-akay ko.
Malapit na kami sa maay lobby pero kaagad ko naman siyang hinila sa isang tabi dahil nasusuka ito. Nang maging maayos na ulit ang pakiramdam niya ay tumuloy kami papasok sa loob."I really hate you, Vinegar" She mumbled sleepily.
"Shhh. Huwag kang maingay" Wika ko habang padaan kami sa ibang hotel rooms.
Nang nasa may pintuan na kami ng hotel room niya ay binuksan ko ang pinto. Pinasok ko siya sa loob pero pinigilan ako nito. Kumapit siya sa leeg ko saka mapupungay ang mga matang napatitig sa akin.
"Ephraim..." Tawag niya sa akin. Napalunok ako. "May nagugushtuhan ka na ba?"
Hindi kaagad ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Alam ko ang ganitong klase ng mga titig pero kailangan kong magbulag-bulagan at magtanga-tangahan na hindi ko alam.
"Antok lang 'yan" Malumanay kong saad saka siya tuluyang hinila papasok sa loob.
Maingat ko siyang inilapag sa kama pahiga. Kinuha nito ang unan saka niyakap niya. Inalis ko ang nag-iisang tsinelas sa paa niya. May buhangin pa ang mga paa nito.
Pinunasan ko ang paa nito gamit ang tissue. Matapos ay kinumutan ko rin siya. Nabigla ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"Gushto kita, Ephraim"
Napalunok ako at hinawakan ang kamay niya saka inilagay sa unan na yakap niya kanina.
"Lasing ka lang, East" Wika ko sa mahinang tinig saka umayos ng tayo.
I was about to get some new clothes to change when I remember that my suitcase is not here. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ng hilo. Ipiniling ko na lang ang ulo ko bago lumabas ng silid saka tinungo ang kuwarto ko na kuwarto na ngayon ni V.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...