Chapter Twenty-five
EPHRAIM
Nang mahimasmasan ay tinungo ko na ang tent namin para makisama sa kasiyahan nila roon. Nang makarating ako ay tinadtad kaagad nila ako ng tanong tungkol kay V.
Wala akong choice kung hindi sagutin lahat ng tanong nila. Napunta naman ang atensiyon nila kay Mang Isko ng dumating ito galing sa dagat.
"Ay noong kabataan ko lapitin rin ako ng mga babae" Biro ni Mang Isko. Natawa naman sila.
"Aba'y maniniwala pa ako kung kasing itsura mo si Ephraim" Kantiyaw naman ni Sister Adeline.
"Kung 'di mo naitatanong noong kabataan ko kasing tikas at kasing guwapo niya rin ako"
"Aysus. Naisingit mo pa talaga iyan" Wika naman ni Sister Rose.
Nagtawanan na lang ang nga ito dahil halata namang talo si Mang Isko sa pambabara ng dalawa sa kaniya.
"Maiba nga tayo. Ikaaw ba Ephraim, kaibigan mo lang ba iyon?" Tanong ni Sister Adeline.
"Opo"
"Sus. Siguraduhin mo lang kasi baka may masaktan ka na hindi mo alam"
"P-Po?" Hindi ko masyado maintindihan ang gusto nitong sabihin.
"Tumigil ka na nga diyan, Adeline" Saway sa kaniya ni Sister Esmeralda.
Nagawa pa nila akong asarin dahil baka raw girlfriend ko talaga si V at tinatago ko lang.
Aba'y kung totoo nga siguro matagal na akong nagpa-party. Kaso hanggang panaginip lang iyon.
Matapos ang kuwentuhan na iyon ay kinausap naman ako ni Sister Esmeralda.
"Siya nga pala, wala ng bakanteng kuwarto. Lahat ng mga staff namin may mga batang kasama sa kuwarto. Si Eastrella na lang ang walang kasama"
Napabaling ako kay Eastrella na nakikipaglaro ng tennis sa mga bata. Ibig sabihin sa kaniya ako makikitulog mamaya? Hindi kaya magiging awkward 'yon?
"E kila manong Ben po? Wala po bang space sa kanila?"
"Pasensiya na, Hijo. Dalawa na sila ni Isko sa kuwarto e"
Ayaw kong tumabi sa kahit sinong babae rito dahil baka kung ano ang isipin nila.
Pero saan kaya ako matutulog mamaya?
"Alam po ba ni Eastrella?"
"Oo. Pumayag na rin siya kanina kesa naman daw matulog ka dito sa labas"
"Pero parang ang sagwa naman hong tingnan no'n"
"Alam ko naman na mabait kang bata at may respeto kaya't may tiwala ako sa 'yo, Hijo" Sinserong wika niya saka ngumiti sa akin.
"Sige po. Kakausapin ko siya mamaya" Sabi ko na lang.
Napansin ko naman na napatigil silang lahat sa mga ginagawa nila at ang paningin ay nasa likuran ko. Napansin ko pa na nakanganga 'yong dalawang madre sa likuran ni Sister Esmeralda. Napalingon tuloy ako.
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...