After 6 months
"95.....110....128....150...how many flowers are there in total?"
"237 plus this one" I showed her the bouquet of red and white tulips in my hand.
Lumayo siya sa mga bulaklak na nasa isang mahabang mesa. Ilan sa mga ito ay maganda pa pero lanta na ang karamihan. Pinagmasdan ko ang bouquet na hawak ko saka napabuntong-hininga.
"Hindi ka ba napapagod kakahanap sa kaniya?"
"Bakit ba pare-pareho yung mga tanong ninyong lahat?"
"Dahil kami yung napapagod sa 'yo, Ephraim"
I scratch the back of my head. "Wala akong sinabi sa inyo na intindihin niyo ang ginagawa ko. Choice kong hanapin siya at hindi ako napapagod gawin 'yon, East"
"But look at yourself, Ephraim. Minsan napapabayaan mo na ang nasa paligid mo dahil sa kakahanap sa kaniya. Kahit wala tayong kasiguraduhan kung buhay pa ba 'yon"
Kaagad na nagunot ang noo ko sa tinuran niya.
"Huwag kang magsalita ng ganiyan, East. Buhay pa siya!" Batid ko na nabigla ito sa pagsigaw ko. Napabuga ako ng hangin. "I'm sorry. Hindi ko gustong magtaas ng boses. Pasensiya na" Mahinahong wika ko.
She just shook her head. "Halos isang taon na ang lumipas, Ephraim. Hanggang ngayon umaasa ka pa rin na babalik siya. Kung buhay pa 'yon, malamang si Morphius ang unang magbabalita sa 'yo! Diba kahit siya hindi niya alam?! Wake up, Ephraim! Hanggang ngayon, naghahabol ka pa rin sa taong ayaw naman talaga sa 'yo in the first place! Kahit wala na siya, siya pa rin talaga ang hinahanap mo kaya kahit yung taong nandito palagi para sa 'yo, hindi mo n-napapansin!"
Pumiyok ito sa huling kataga na sinabi niya.
Nabigla ako ng tumakas ang isang butil ng luha sa mata niya. Naibaba ko ang hawak na bulaklak at sinubukang lumapit sa kaniya pero umatras siya palayo. Kaagad niyang pinunasan ang kaniyang pisngi.
"Eastrella..."
Umiling siya saka itinaas ang dalawang kamay. Hindi ko na naituloy ang paglapit sa kaniya.
"I-I'm sorry hindi ko dapat sinabi 'yon"
"East, hindi ka dapat humihingi ng tawad sa 'kin. I should be the one saying sorry" Malumanay kong saad. Napayuko siya saka napasinghot. "I'm sorry, East"
"S-Stop...huwag ka ng humingi ng sorry" She's wiping her cheeks using her palm. Inangat niya ang kaniyang tingin kaya nakita ko ang pamumula ng kaniyang ilong at mga mata. "M-Mas nasasaktan ako kapag humihingi ka ng sorry sa 'kin"
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Alam ko nasasaktan siya ngayon at ako ang dahilan pero hindi ko alam kung paano ko aalisin 'yong sugat sa puso niya.
Umiwas siya ng tingin. "I-I have to go. Pumunta lang talaga ako dito para magpaalam sana sa 'yo, Ephraim"
"A-Aalis ka?"
She nodded. "Kailangan kong bumalik sa Spain para asikasuhin muna yung Everlasting. Bumalik na kasi ulit dito sa Pinas si Zaera at ang mga bata"
BINABASA MO ANG
A Fatal Desire [Completed]
ActionTwo people with different characters, different attitudes, different beliefs, different lifestyle and different perceptions in life will cross each other's path. In the amidst of chaos, enmity, repulsion, virulence and hate, will love win? ••• Vigén...