45

31 0 0
                                    

Chapter forty-five

VIGÉNERE

Ipiniling ko ang aking ulo ng maalala ang nangyari 15 years ago. Isang hamak na paslit lamang siya noon ng makilala ko. Maputla, payat at daig pa ang babae sa kaartehan. Kaya nga ayoko talaga sa kaniya.

Parang babae kung kumilos na hindi makabasag pinggan. Akala ko nga noon ay bakla ito. Hindi ko akalain na sa ilan pang pagkakataon ay magtatagpo ang mga landas namin.

Hindi ko naman kasi alam na isa pala siya sa Del Fierro. Hindi ko talaga siya pinapansin noon dahil ayokong-ayoko sa mga ngiti nito. Nakakainis ang ngiti niya.

Yung ngiti niya na nagbibigay liwanag sa paligid. Ayoko ng ganun. Siguro dahil nasanay ako sa madilim na mundo. Simula pagkabata ko ay wala na akong nasilayan pa bukod sa pulang likido at madilim na silid.

Sometimes, I feel like an empty shell. Walang laman at walang pakiramdam.

Buong buhay ko iginugol ko na sa pag-eensayo at pakikipaglaban. Ang alam ko lang ay ang salitang 'death' at 'kill', because I was molded in the household without love and care.

Kaya hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal. Hindi ko rin kasi alam kung anong pakiramdam nito kaya't hindi ko maibigay sa iba ang mga iyon.

I need to feel it within myself first before I give it to others.

Magiging maayos sana ang takbo ng buhay ko kung nabuhay ako sa matiwasay at maayos na buhay. May mga magulang na mapagmahal.

Napabuntong-hininga ako saka paika-ikang tinungo ang tukador na may malaking salamin. I trace my bruises and wounds across my face.

I have the eyes of a dead soul. Wala na itong sigla, walang kinang at walang spark.

I was staring at my reflection in the mirror when I heard a creaked sound coming from the door.

"How are you?" Morphius asked.

"Feeling better"

Tuluyan itong pumasok sa loob at inilapag sa mesa ang isang supot.

"He is still sleeping" Puna nito ng makita si Ephraim na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.

Lumayo siya sa kama kung saan si Ephraim at lumapit sa tabi ng cabinet. "Why do you have to save him?"

I drifted my gaze over him who's standing tall beside the cabinet, leaning against the wall while his hands are on his pockets.

"Because it is my job"

"Ilang beses mo ng sinasabi 'yan. Ibang usapan na ang nangyayari ngayon, Blaine. You know that his family is after you. Hinahanap ka pa rin nila. Alam mo bang gusto ka nilang mahuli kahit patayin ka pa nila?"

"I know"

"Pero bakit kailangan mo pa rin itong gawin? Ikakapahamak mo ito, Blaine. Hindi mo siya kailangang iligtas dahil lang responsibilidad mong panatilihin ang kaligtasan ng isang Del Fierro"

Napabuga ako ng hangin. "If you want to know the truth, I saved him to save myself, Morphius"

Kumunot ang noo nito. "What? Alam mo hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo?"

A Fatal Desire [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon