41

29 0 0
                                    

Chapter Forty-one

THIRD PERSON


Orzin Estate, 30°15'12°E 2°10'33.6°S
11:38 pm

Nakatayo lamang si Vigénere sa isang sanga at hawak ang binoculars. Pinagmamasdan nito ang malaking bahay sa malayo. There are men scattered around the premises.

Lahat ng mga ito ay may hawak na armas. May karamihan rin ang mga ito at mukhang may iba pang nakakubli sa paligid na hindi nila alam.

Napahawak siya sa earpiece na nasa kaliwang tainga niya.

"Morphius, how's going on down there?" Tinatanong nito kung kumusta nga ba ang sitwasyon roon sa ibaba malapit sa gate ng bahay.

"It's all clear. Wala namang dumaan na kahit anong sasakyan dito" Sagot nito sa kabilang linya.
Hawak nito ang isang KSVK anti-material sniper rifle. It is used to penetrate thick walls and lightly armored vehicle.

"How about you, Kian?"

"Marami dito sa likod ng bahay. Napapansin ko na mukhang nagmamanman sila sa buong paligid"

"Alright" Tipid nitong saad saka lumundag pababa ng puno. Inilabas nito ang isang mini uzi mula sa kaniyang bewang saka inilagay ang tela sa kalahati ng kaniyang mukha.

"Blaine, where are you going?" Nagtakang tanong rito ni Morphius. Natatakot ito sa gustong gawin ni Blaine. He knows that Baline will not hesitate to attack Orzin's place.

"I will clean the front yard first" Walang gana nitong saad.

"Alright. I will be here, watching you"

"Susugod na rin ba ako dito sa likod?" Kian asked on the other line.

"Yeah" Malamig nitong sagot at inilagay ang itim na tela sa kalahati ng kaniyang mukha. "I think Orzin is expecting us to be here tonight" Dagdag nito saka niya hinawakan ang kudachi sa kaliwang kamay samantala ang mini uzi naman sa kanan.

Hindi pumipirmi ang mga bantay. Napapansin rin nito na dumarami ang nagmamatyag sa buong paligid. Maaaring ganito lang talaga kahigpit ang seguridad rito sa bahay ni Orzin o di kaya naman ay natunugan na nito ang pagdating nila ngayong gabi.

Hindi nito alam kung alin sa dalawa ang tama sa hinala niya pero sa ngayon, iisipin niya na lang muna kung ano ang goal niya ngayong gabi.

EPHRAIM

"As what I am expecting. She's here" Orzin said as he settled on his seat. "Vigénere is in the front yard of my estate"

Napatayo ako dahil sa kaniyang sinabi. Mabilis akong tumungo sa glass window at tiningnan ang harapan ng bahay. My lips parted when I saw a silhouette of a woman standing in the middle of the front yard.

She was surrounded by Orzin's personnels. I clenched my fist as hard as I can. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita.


May kung ano sa kaibuturan ko na tila nabuhayan. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kabuuan nito.

Do I miss her? No! Of course not. Mas nangingibabaw ang galit at poot sa puso ko ngayon. Nadagdagan pa ang galit ko dahil sa regalong ipinadala niya sa mom ko. Isang patay na pusa na pugot ang ulo.

A Fatal Desire [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon