46

24 0 0
                                    

Chapter forty-six

VIGÉNERE

Is she.....wait?

She's already dead.

How?...

Hindi pa man napo-proseso ng utak ko ang nangyari ay niyapos na ako nito ng mahigpit. Natahimik silang lahat at ang mga mata ay ipinukol sa aming dalawa.

Nagtuod na lang ako sa kinatatayuan ko habang siya ay mahigpit akong yakap. Hindi ko alam ang gagawin ngayon.

This is so unreal for me. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko magawang makapagsalita, tumawa o ngumiti. Hindi ko rin magawang magtatatalon sa tuwa o di kaya ay mapaluha dahil nandito talaga siya.

Ang tunay kong ina.

Humiwalay siya sa yakap bago pinunasan ang kaniyang mata na puno ng luha. She held my face and stared at my eyes.

"Umalis na muna tayo" I heard Andromeda said. Wala akong narinig na salita mula sa iba. Daglian silang umalis ng living room.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ano ang susunod kung gagawin. Impossible.

Is she my mom's clone? Paanong....

Ano ba ang dapat kong magiging reaksiyon?
Matutuwa ba ako dahil buhay siya? Hindi ko alam.

Nakita ko mismo ang puntod niya at dinalaw ko iyon noong araw pagkatapos ng pag-uusap namin ni Señor. Nakakabigla ang lahat.

All this time ba ay buhay siya at alam iyon ni Andromeda?

"Ang tagal kong hinintay ang araw na ito para makita ka" Wika niya bago hawakan ulit ang pisngi ko. "Parang kailan lang ang lahat at heto ka na ngayon"

Niyakap niya ako ulit. Nanatili lamang akong nakatayo ng tuwid at pilit pinoproseso pa ang mga nangyayari.

"Vigénere, did you recognize me?" Tanong nito pagkatapos akong yakapin ulit. "Pero paano mo nga pala ako makikilala? Sanggol ka palang ng magkahiwalay tayong dalawa" Dugtong niya.

"Y-You are?....." Ang tanging naiwika ko. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. Tinakpan niya iyon ng isang tipid na ngiti.

"Ako ito, ang mama mo" Sagot niya sa akin.

Napaatras ako dahilan para makita ko ang pagsibol ng pag-aalala at takot sa kaniyang mukha.

"Alam ko na labis kang nagulat ng makita ako ngayon. Pero sana ay hayaan mo muna akong magpaliwanag" Saad niya saka inabot ang aking kamay pero inilayo ko ito.

"Maybe, we should sit first" Seryosong saad ko saka tinuro ang sofa. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ako sanay na mapunta sa ganitong sitwasyon.

"I-I think that would be better" Sang-ayon niya saka kami sabay na tumungo sa sofa.

Sa isang single sofa siya umupo at ako naman ay sa isa ring single sofa. We are facing each other. Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. I diverted my gaze at the table's center piece.

A glass figurine of a lion and its cub.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumikhim. Nanatiling nasa center piece ang aking paningin.
This family reunion is not that warm and welcoming at all. This is so awkward.

"I did not die after giving birth to you just like what was written in most published articles" She said that made me look at her. "Someone tried to kill me that night at the hospital. Para mailayo ko ang killer sa 'yo, I decided to lured her outside of the hospital. Iniwan muna kita pero sinigurado kong makikita ka kaagad ng papa mo. I thought, makakabalik ako ng gabing iyon but I got shot that night. Hindi ko iyon nagawang iwasan dahil masyado pa akong mahina ng gabing iyon"

A Fatal Desire [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon