Hinatid ko si Jonathan sa labas ng bahay dahil may dala daw syang motor at nang makita ko ang motor nya ay nanlaki ang mata ko, Shit men!! Sheeesh, Ang angas Pre!!
" Minsan ko lang gamitin ito eh " Sabi nito, Hinampas ko ang upuan at hinimas ang makinis na manibela.
" Ang angas nito, pre daig pa nito yung Nmax ah kung mahal at maganda na ang Nmax, Ano pa ito?? " Namamangha kong sabi sabay tingin kay Jonathan na mukhang natuwa sa reaksyon ko.
" Ah, Sorry pre motor kasi ni kuya pang tomboy eh, Mio. bibilhan sana ako ni mama ng Nmax kaya lang baka hiramin naman ng Hiramin ni kuya o kaya itakas takas na naman sa gabi " Sabi ko dito at bahagyang lumayo sa motor nya pero hindi pa din tapos ang mata kong tingnan ang katawan nito.
" Ang Cool nyo ni Kuya Warren " kumento nito kaya napahinto ako sa pagsuri ng motor nya at naoatingin sa Bahay kung saan nakabukas ang Ilaw ko.
" Ehh?? Cool ka dyan, Halos isumpa na nga namin ang isa't isa at halos masuka na ako kapag nakikita ko pagmumukha nya " Pang babackstab ko kay kuya, Baka natatapilok na ito sa loob ng bahay, Buti naman hahaha!!
" I wish I had My sister with me " Bulong nito kaya nilingon ko sya at kahit pa nakangiti sya ay kita kong sa likod nito ay malungkot sya, Bigla namang nag lighten ang mood nya ng tumingin sa akin.
" Do you like it? " Tanong niya, Kagat labi akong tumango sa kanya.
" Syempre, Oo Pre!! Sino ba namang tanga ang aayaw sa ganito kagandang Motor?? Ang pogi ko siguro kapag sakay ako nyan, Hahaha " Nakangiti kong sagot dito at hinipan ang side mirror nito tsaka pinunasan.
" Pwede kong ipahiram sayo " Sabi nito na syang nagpalaki sa mata ko, Tang ina!! Hameyzing.
" Joke lang " sagot ko dito, Pwede bang siya din batukan ko ng isa lang sabay takbo sa bahay.
" Ah! Siya nga pala, Archie I bought you a Pain reliever " inabot sa akin ni Jonathan ang supot na may lamang gamot.
" Para saan? " Tanong ko, Sinilip ko ang supot at may nakita akong pamahid at ilang gamot.
" Sa likod mo " Sabi nito napatingin ako sa likod ko, lumipat naman sya sa likod ko at hinawakan ang parteng sumasakit, Agad akong napaigtad dahil isang pindot lang ng kamay ay umaaray na ako.
" Sorry " Sabi niya at dahan dahang hinimas ang parteng ito.
" Paano mo nga pala nalaman na masakit yung likod ko? " Tanong ko dito, Habang nakapikit dahil ang sarap yung dahan dahan nyang hilot sa akin.
" I saw it, natamaan ka nung isang trainee yun din ang dahilan kung bakit nandito ako, I have to take care of you ako ang nagsali sayo e " Sabi nito sa akin sabay hawak sa balikat ko, Mula sa likod at lumipat na sya sa harap ko.
" Hindi ka na sana nag abala pa, Imbis na matutulog ka nalang inalala mo pa yun pre, pero salamat gagamitin ko to " sabi ko dito, Tumango naman sya at kinuha ang Helmet na nakasabit sa Side mirror nya, Angas talaga ng Motor Pre!
" See you tomorrow " Sabi nito habang nasakay ng Motor, Tumango naman ako at ngumiti.
" Salamat ulit, Pre Sana makabawi din ako sayo " Sabi ko dito.
" No problem, Bye " Sabi nito at kumakaway ako sa kanyang pag alis at muling sinilip ang supot at nakangiting pumasok ng gate namin at Pagpasok ko sa bahay ay isa isa kong nilabas ang mga gamot para binasahin kung para saan ang mga gamot na nasa supot.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...