Chapter 26

102 5 7
                                    

Umupo si Jonathan sa upuang nandito sa tabi ng kama ko habang Inayos naman ni Allison ang kumot ko tsaka bumalik na sa tabi ni Aljon na nakaupo sa sofa, Para magbalat ng mga prutas at makipag usap kay Aljon.

" How are you? " Umpisa ni Jonathan sa usapan.

" Ayos lang, Pre ikaw ba? Kamusta? " Sagot at tanong ko dito, napatingin sya sa bulaklak na nasa tabi ko lang, Hindi pwedeng mawala ito, palihim akong Ngumuti at nang lingunin nya ako ay sumeryoso na ulit.

" Ayos lang din ako, Pagaling ka na ah? " Sabi nito tumango ako at ngumiti, Shit!! Ano pa bang pwedeng pag usapan? Kumain ka naba? Pweh! Ano nagchachat lang? Pafall naman tayo masyado nun, Yung tanong as a friend lang.

" Kumain na ba kayo? " Tanong ko sa kanila ni Aljon, Sinama ko na si Aljon para hindi naman ako magmukhang masama.

" Dumiretso kami dito pagtapos ng klase, wala munang practcie sa swimming dahil kakatapos lang ng competition " Sagot ni Jonathan, Tumango ako at sinulyapan si Aljon na nakikipagusap kay Allison tapos mapapatingin sa akin kaya ngumiti kami sa isa't isa, Yung ngiti nya concern yung ngiti k plastik, Bakit ba kasi kasama pa yan?

" Sino nga pala nanalo sa laban? " Tanong ko dito kahit na alam kong hindi kami nanalo.

" 'wag ka mag alala nasa 2nd winner naman tayo " sagot nito, Tumango ako at muling sumulyap kay Aljon na tumatawa yata sa joke ni Allison, Walanjo itong kaibigan ko akala ko ba suporta sya sa akin? Bakit parang bumaliktad ang mundo.

" Mukhang close kayo ni Aljon, Ah " Sabi ko dito, lumingon sya kay Aljon at ngumiti.

" Oo, Mabait syang kaibigan " Sagot nito, ako naman ay napalunok, Gaano kaclose?? Alam ba ni Aljon na......

" Oo alam ni Aljon na , Bakla ako " Sabi ni Jonathan na para bang nabasa nya ang tanong sa isip ko kaya Nag iwas ako ng tingin, pero mukha namang hindi magkakagusto si Aljon sa kanya, Safe tayo, Bruh! Ayy!!

" At alam din nya kung sino yung gusto ko " Dugtong ni Jonathan agad akong napalingon sa kanya at mukhang hindi sya nagbibiro sa sinabi niya.

" Sino naman yung gusto mo? " Tanong ko dito at pinigilan ang pagsilay ng ngiti ko, Tang ina!! Normal pa ba ako?

" Secret " Sabi niya, agad akong napalingon ng sabihin nyang sikreto lang kung sino ang crush nya, Gagu ba sya?? Alam ko naman kung sino, Syempre aako!!

" Secret amputek " Inis kong sabi dito at umiwas ng tingin, Hindi ako nagtatampo Konti lang.

" Bakit gusto mong malaman? Selos ka? " Nahimigin ko ang mapang aasar nitong boses kaya lumingon ako habang nanlaki ang mata, Halata ba?

" Selos, amputa Asa naman Pre " deny ko pero kahit sinabi ko iyon ay nakangiti pa din sya.

" Okay " Sagot nya at nagulat ako ng tumayo sya, Hinawakan ko ang kamay nya kaya muli nya akong nilingon.

" Aalis ka na? " nalungkot kong atnong dito pabulong habang nakatingala sa kanya, Hinawakan nya ang kamay ko at inalis ito mula sa pagkakahawak kaya napatingin ako duon.

" Manlalalaki ako " Sagot nya ng seryoso, hinawakan ko ulit sya ngayon ay mahigpit na, saan naman sya manlalalaki? Nandito naman ako, Napangiti sya.

" Kukuha ako ng prutas, anong gusto mo? Apple, Orange or...... " Bahagya syang yumuko at nilapit sa tenga ko ang labi nya.

" Me? " Hindi ako nakasagot sa tanong nya, Pwede bang yung pangatlo? Ho-hoy!!! 'wag kang ganyan, umayos sya ng tayo at nakangisi pa din, Tang ina!! Anong trip nito?

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon