Sinuot ko ang ID ko at ang Bag na uso ngayon, kakabili ko lang kasi nito sa Shopee halos makarinig nako ng araw araw na sermon mula kay Mama dahil araw araw dumadating ang Order ko.
Kahapon ay dumating ang Order ko na dalawang sapatos, Nasa 1k plus ang binayaran ko dahil branded ito, isang OFW ang Papa ko sa Taiwan, mag 5 years na sya duon at minsan umuuwi siya dito na tumatagal ng 2 to 3 months at minsan naman kami ang pumupunta sa Taiwan para mag vacation din.
" Archie! " Nagulat ako ng sumigaw si Kuya Warren mula sa kabilang kwarto.
" Andyan na! " Sigaw ko din dito at nagmadali ng lumabas, Inaayos ko pa ang buhok ko habang pababa ng hagdan naabutan ko sila ni Mama na nakaupo na sa Harap ng lamesa, Inilagay ko sa tabing upuan ang bag ko.
" Napakabagal mo talagang kumilos " Inis na kumento ni Kuya at kumuha ng scrumble egg na niluto ni mama, Ginaya ko ang itsura nito habang nakuha ng sinangad at ulam na hotdog at itlog.
" Puro kasi tiktok eh, Hindi na natutulog ng maaga, Mamayang gabi papatayin ko yung wifi " Sabi ni Kuya.
" Bakit ba? Edi, Mag tiktok ka din " Inis kong sagot dito, Mukha nainis sya sa tono ko kaya napalakas ang bitaw nya sa kutsara.
" Ano ba? Hindi nyo ba nakikita nasa harap tayo ng pagkain at bakit ba lagi kayong nag aaway dalawa? " Sermon sa amin ni Mama, Agad akong tumigil at umamo, ganun din naman si Kuya Warren.
" Sorry, Ma " Sabay naming sabi ni Kuya at siya ang unang nag abot ng kamay, tumayo ako ng bahagya at inilagay ito sa pisngi ko at ngumiti, Pagtapos ko iyong gawin ay si Kuya Warren naman.
Ito ang way ni Mama para ituro ang pakikipag ayos namin magkaaptid sa isa't isa kapag nag aaway kami, Mabuti nga at ganito lang paano pa kaya kung yakap at halik sa pisngi, Yiee! Kadiri, Nakakakilabot.
" Kain ka mabuti " Nakangiting sabi ni Kuya na agad kong tinawanan pero dahil seryoso si Mama ay agad ko itong pinigilan, Pero hindi pa din nawala ang pag aasaran namin ni kuya.
Nang matapos kami sa almusal ay nauna na si Kuyang magpaalam dahil may Training pa sya, isang Criminology Student kasi si Kuya, Habang ako ay gusto kong maging Architect, Kaya ang kinuha kong Strand sa Grade 12 ay TVL-TechDraft, Matapos kong magpaalam kay Mama ay sumakay na din ako sa likod ng kotse ni Kuya at napatingin ito sa akin habang nag siseatbelt sya.
" Hoy! Wala kang driver " Inis nitong sabi habang nanlalaki ang mata.
" Magdrive ka nalang " sabi ko dito.
" Dito ka! Bwiset na toh! " Sabi niya kaya wala akong nagawa kundi lumipat sa harap at hindi pa ako nakakapag seatbelt ay pinaandar nya na kaagad.
" Ay! Gago ka naman eh " Inis kong sabi dito at napahawak sa Seatbelt, Narinig ko naman ang nakakainis nyang tawa.
" Bwhahahahaha! " tawa nito at dahil may pagkabaliw ang kuya ko ay isinuot ko ang seatbelt ko habang mabilis ang paandar nya, Kung marunong lang ako magmotor baka itinakas ko pa yung motor nya.
" Hoy, Bata! 'wag kang mag gigirlfriend ha! Magtapos ka muna ng college " Paalala sa akin ni kuya na syang naging dahilan ng pag ikot ng mata ko, Palagi ko itong naririnig mula sa kanila ni Mama pati nga din kay papa at wala pa din naman akong balak mag girlfriend.
Madami kasi ngayon sa mga kaedad ko ay mag karelasyon na, Pero hindi ako napepressure, Naniniwala akong may nakatakdang babae para sa akin at kailangan ko lang maghintay sa tamang panahon para pagdumating sya parehas kaming handa na para sa Isa't isa, Pagparada ni Kuya Warren sa harap ng school namin ay agad akong bumaba at tinanguan sya bago nito paharurutin ang kotse nya paalis, Kumaway ako dito kahit hindi nya na iyon nakita.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...