Inayos ko ang damit kong pang PE dito sa locker room dahil ang PE namin ngayon ay may Basketball for 2 hours kaming maglalaro kaya handa na ako at syempre suot ko ang regalo ni Jonathan na Jordan, inakbayan ako ni Lucas para sabay kaming lumabas ng locker room at nasa court na ang lahat ng kaklase namin.
Tinawag lahat ni sir ang magkakakampi at magkakalaban, May isang court lang ang school namin kaya tag isang oras lang ang game, nasa 34 kaming magkakaklase kaya hahatiin yun, pasok pasok nalang.
Tinawag ni sir kaming lahat at hinati na, Mag kateam kami ni Lucas habang kalaban naman namin si Allison, Nasa pangalawang team naman maglalaro si Marlon at kalaban naman nila ang team ni Jonathan, Napatingin ako kay Jonathan ng hindi ito natingin sa akin, May problema ba sya??
Pinaupo na ni sir ang mga hindi pa maglalaro, Unang quarter palang panalo na ang score ng kalaban, Napahiyaw si Marlon ng nakashoot si Allison, nag apir kami ni Allison dahil nagalingan ako sa ginawa nya.
" Ako lang ito, Pre Allison Bautista for the Three point shot, Whoohoo " pagmamayabang nito sa amin ni lucas, Inilingan nalang namin ito at naglaro na ulit, Ipinasa sa akin ni Lucas ang bola saktong napatingin ako kay Jonathan na nakatitig sa akin, Ngumisi ako at iniwasan ang nagbabantay sa akin tsaka ko naijump shot ito, Yess!! Napatingin ako ulit kay Jonathan para tingnan ang reaksyon nya pero wala itong pinagbago, Ilang beses pa akong nakashoot pero ni isang ngiti o palakpak ay hindi nya ginawa.
" Huuuhhh!! Tropa ko yan " Nagtinginan ang lahat sa Sumigaw na si Marlon.
" Nice one, Team " palakpak na sabi ni Marlon habang naglalakad na kami palapit sa kanila, Tumayo din ang iba naming kakaklase para icongrats ang nanalo sa game na ito sunod naman ay Sina Marlon at Jonathan, unang game hindi nila pinalaro si Jonathan Pero lalapit sana ako dito ng bigla syang tumayo at magpresinta sa teacher naming maglalaro na sya, Umupo nalang ako sa inuupuan nya kanina tsaka nagbend para panoorin sila.
Halata na hindi marunong si Jonathan dahil kung saan saan lang ito napunta, Hindi din sya makashoot ng bola kaya nakakascore sina Marlon , May time pa na natulak sya ng kaklase namin at nasisiko, Pero hindi nya ito iniinda.
" May problema kaya sya? " Tanong ko sa sarili ko at pinagsalikop ang kamay ko habang hindi pa din maalis ang tingin ko kay Jonathan na hinaharangan ang isa naming kaklase, Kaya lang nakaalis ito sa likod nya kaya hinabol nya ito.
" Sino? " Nagulat ako ng may magsalita malapit sa tenga ko, Paglingon ko si Allison pala, Pawis na pawis ang mukha, Ngumiti ito.
" Papatayin mo ba ako sa gulat? " Tanong ko dito at umusod para makaupo sya.
" Pwede din " nakangisi nyang sabi at inilapit ang pisngi sa akin tsaka tinignan ang kanina ko pa tinitingnan.
" Sinong may problema? " Tanong nito sa akin.
" Ikaw, May problema ka ba? " Tanong ko dito at siniko sya para mailayo sya sa akin.
" Tss, 'wag nga ako pre sino tinitignan mo? " Sabi nito.
" Yung laro nila Marlon " palusot ko dito, Ngumuso ito at pinaningkitan ako ng mata.
" Laro nila marlon? Parang hindi naman " Sabi nito.
" Ayaw maniwala eh " sabi ko dito.
" Sige, Ilan na ang score nila marlon? "Sabi nito, Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko alam ang sagot, Tinuro nya ako at tumawa sya.
" Ahahaha, Bleh! Wala kang maloloko dito Bugart, Yung tinginan na yan ibang iba sa panonood eh, may kasamang ano, concern ganun " Sabi nito, Hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko dahil halata pala ako.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...