Chapter 13

128 8 3
                                    

Hindi talaga ako makapaniwalang bakla si Jonathan, sabi nya top reason daw ang pagiging Gay nya kaya sya lumipat ng school? Pero sikat syang swimmer kung iyon ang dahilan ay malamang maibabalita ito, pero wala naman akong nabalitaan na ganun.

Nagkaboyfriend na daw sya?? Sino naman? Ewan, Bakit ba ako nag iisip ng ganito, Ako kaya kailan ako magkakagirlfriend? Wala kasi akong kilalang babae, Meron mga pinsan ko putik mas barako pa sa akin, Mas malupit pang magbasketball kesa sa akin.

Nagulat ako ng may magbato sa akin ng damit, Pag tingin ko sa pinto ay nakatayo duon si kuya na walang damit, Nakapamewang pa ito.

" Hoy " Bungad nito sa akin.

" Ano! " Inis kong Tanong dito.

" Bumaba ka daw,tawag ka ni Mama " Sabi nito, Sabay lapit sa tabi ko, Makikichismis sa ginagawa ko dito sa harap ng computer.

" Sus, Pasa ka na naman ng utos " sabi ko dito habang nailing at ibinalik ang atensyon sa Computer.

" Pasa pala ah? MAMA!!! " sabi nito, Agad akong tumayo para akpan ang bibig nya, Nakasimangot ko siyang tiningnan habang sya naman ay nakangiti na ng bitawan ko nakakadiri nyang bunganga, Dilaan ba naman yung palad ko, Kadiri!!!

" Ito na nga diba? Kadiri ang Puta! Baboy " Nakabusangot kong sabi dito.

" Very good, Sumunod ka nalang kasi " Sabi nito at nang aasar akong hinimas sa Buhok, Agad kong inalis ang kamay nya lumakad na palapit sa pinto ko.

" Oo nga pala, sabay mo na ako ng yosi ah " sabi nito, Tss!! Sabi na eh Pinag gogrocery sya tapos sa akin ipapasa, Bumaba na ako at naabutan ko si Mama na nakaupo sa sala at may kinakausap tapos manggigigil, Baliw na nga yata mama ko.

" Ma " Tawag ko dito, nilingon nya ako at ngumiti.

" Anak, Tingnan mo oh " Sabi nito at inangat ang isang Cute na aso, Agad naman nangunot ang noo ko.

" Saan mo naman nakuha yan? " Tanong ko dito at lumapit sa kanila, muntik pa akong mapasigaw ng lumapit sa akin ang aso at gusto nito saking magpakarga.

" Shoo, Dun " Taboy ko dito, agad naman itong kinuha ni Mama at sinamaan ako ng tingin.

" 'wag ka ngang ganyan, Bata ka talaga oh! Bigay ito ni Kuya Reggie mo, pinauwi kay Kuya mo " Sabi nito at niyakap ang aso, Oh! Edi Wow!

" Sabi ni kuya Tawag mo daw ako? " Sabi ko dito at naalala ko na naman si kuya, Bastos talaga eh.

" Ayun nga, Utusan kita mag grocery " Sabi nito, Sabi na ba eh.

" Ito nilista ko na ang lahat ng bibilhin mo, Nandun sa lamesa yung pera " Sabi nito kaya tumayo ako at lumapit sa lamesa namin, Ang haba ah! Kasama pa gamit ng aso tapos ako lang mag dadala pauwi?? ayos!!

" Lahat ito? " Sarkastiko kong Tanong  kay mama sabay pitik sa papel.

" Oo, magtaxi ka nalang pauwi " Sabi nito habang sa aso pa din ang atensyon, Malamang hindi ako papayag na mag jeep tapos ang dami kong bitbit talo ko pa galing probinsya.

" Sure, Mom " Sabi ko at aakyat na sana para magpalit ng damit dahil nakapantulog ako ng bigla akong tawagin ulit ni mama.

" Hoy, Archie Yung sukli ah " Sabi nito, Napairap ako Si kuya lang naman palaging nangungupit sa kanya, nadamay pa ako,May sarili akong pera syempre, si kuya kasi magastos, Gastos dito Gastos Duon, kaya palagi syang nahingi kay mama, ako naman nahingi din ako pero hindi naman lagi, tuwing kapos lang ang pera ko syempre Kakaorder online.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon