Chapter 20

105 6 10
                                    

Ilang araw akong nakakulong sa kwarto halos gibain na ni mama ang pintuan ng kwarto ko dahil hindi ako napasok ng school, Lalabas lang ako kapag maliligo at kapag wala sila ni kuya warren, Si kuya warren naman ay hinahayaan lang ako sa gusto kong Gawin, Kahit hindi ko sabihin ang totoong dahilan ng nangyayari sa akin ay mas nilalawakan lang nya ang isip nya.

Allison Bautista: Pre, Sorry kakauwi lang namin galing Baguio.

Nanlaki ang mata ko sa chat ni Allison, sinubukan ko itong tawagan pero nawawalan ng connection pero tumawag din sya at nakita ko syang nakangiti.

" Hi pre " Bungad ni Allison habang nakangiti, Pero agad ding nag angat ng ulo at sumimangot.

" Pre, Nasaan ka? Pwede ba tayo mag usap? " Tanong ko dito, Tumingin sya sa tabi niya.

" Ha? Wala, Nasa kwarto eh, Oo 'wag mo ubusin sasapakin kita " Sabi ni Allison sa kausap nya mukhang si Darwin iyon dahil tumawa siya at minura nya ito, Muli nya akong binalingan.

" Pre, Ano yun? " Tanong ulit sa akin nito.

" Pwede ba tayong magkita ngayon? " Tanong ko dito, Tumango siya at tumingin sa oras.

" Pwede naman pre, Saan ba? " Sabi nito.

" Teka, Naligo ka na ba? " Tanong nito sa akin at napansin kong nung isang araw pa pala ang suot ko, Wala kasi akong gana talagang tumayo para asikasuhin ang sarili ko.

" Hindi pa, Maliligo na din ako " Sagot ko dito.

" Sige,pre! Chat moko pag paalis ka na sa FiraMall nalang tayo magkita, may bibigwasan lang akong tanga, Akin na kasi yan, Puta!!  " sabi ni Allison at binitawan ang Cellphone para makipagbardagulan kay Darwin, Ngumiti ako tsaka humawak sa dibdib ko at pinatayan na sya ng tawag, Magkikita na kami ni Allison at lilinawin kong hindi ako Bakla.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at pumasok sa banyo, Habang nasa kusina si mama naghuhugas ng plato, mabilisan lang ang ginawa kong pagligo tsaka tumakbo na ako paakyat para mag asikaso ng sarili,

" Magdahan dahan ka naman, Archie baka madulas ka sa hagdan " Saway pa sa akin ni Mama, wala si Kuya warren dahil pumasok ito.

" Opo, Ma " sagot ko dito, Nagmadali akong magbihis ng pang alis at nagsapatos ako, Hindi ko sinuot ang jordan na bigay ni Jonathan, lumapit ako kay mama pagbaba ko.

" Okay lang ba, Ma? " Tanong ko dito at ipinakita ang suot ko, Bahagya ko pang inayos ang buhok ko.

" Kahit anong isuot mo, Anak Bagay na bagay sayo, Eh Teka lang! Saan ka ba pupunta at pormadong pormado ka yata, Anak? " Sabi at tanong nito haabng inaayos ang suot ko, Pinapagpagan kahit na ilang beses nya na itong plantsyahin ng paulit ulit.

" Magkikita kami ni Allison eh " Sabi ko dito, tumango ito.

" Hindi din ba pumasok si Allison? Naku!! Hindi porket magkaibigan kayo ay pag gumawa ng kalokohan ang isa ay gagawa na din ng kalokohan ang isa " Pangaral ni Mama sa akin, Kaya ngumiti ako dito at umiling.

" Ma, kahit Tarantado mga kaibigan ko hindi kami pabaya sa pag aaral, Studies is our Priority " Sabi ko kay Mama at kinurot sya sa pisngi, Sinamaan ako nito ng tingin at kinurot din sa pisngi.

" Study is our priority? Eh, Absent ka na nga ng ilang araw " Sabi nito kaya natahimik ako at kinagat ang labi, Mukhang nabasa naman ni Mama na hindi ko na gusto pang pag usapan ito kaya iniba na nya ulit ang usapan.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon