Pag akyat ko sa kwarto ko ay nakahiga na agad si Bodhi sa kama nya dito sa kwarto may mga kama kasi sya sa mga kwarto namin, Para pag trip nya sa kwarto ko o kay Kuya O sa kwarto ni mama, May hihigaan sya.
Kumuha ako ng panlatag sa kwarto ni mama at inilatag ito sa sahig, napagdesisyunan ko nalang na sa kama ko matutulog si Jonathan at dito nalang ako sa sahig, pinagpagan ko ang kama ko at napagdesisyunang mag ML sa harap ng computer ko habang nagpapatugtog ng Kagome.
Yeahh!! Good vibes lang.
" Shit! Shit!! Lucas, Kunin mo yung. Red Buff " Sabi ko habang mabilis na pinipindot ang cellphone.
" Pre, Pre Top lang ako ah " Sabi ko kay Allison na nag fafarm.
" Sige, Pre! Tulong lang ako sa Mid " Sagot naman ni Allison sa mic, naka open mic kasi kaming lahat, kasama pa din namin si Darwin ang pinsan ni Allison na tinatawag ni Marlon na Bugart.
Ilang beses kaming nakipagclash sa kalaban at dahil malalakas kami ay nakapagcomeback pa sa laro, Yess!!
" Invite na, guys " sabi ko kay Allison.
" Teka lang, Nag iinvite yung kalaban Nagalingan hahahaha " Sabi ni Allison.
Napalingon ako sa pumasok sa kwarto at nakita ko si Jonathan na naglakad palapit sa akin, Niyakap nya ako mula sa likod ng Gaming chair ko.
" Gawa mo? " Bulong na tanong nito, ipinakita ko ang Nilalaro namin.
" ML " sagot ko dito, Tumango sya at hinalikan ako sa pisngi.
Ilang beses pa kaming naglaro at dalawang talo limang panalo ang naging resulta, Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa balikat ko, Si Jonathan na nakasandal sa study chair ko at seryosong nakatingin sa akin, hawak hawak pa nya si Bodhi.
" Sandali nalang, Last game na " Sabi ko dito, Itinukod nya ang siko sa study table ko at pinahinga ang baba nya sa kamay nya, Yung tingin palang nya hindi na natutuwa.
" Ayan! Ayan!! Putang ina moo!! Ano, Ano!! Trashtalk pa Gago!! Nauuna kasi ang salita " Natutuwa kong sabi sa cellphone, Dahil katulad ko ay nagmumura na din ang mga kalaro ko, Lalo na si Lucas na hindi naman talaga palamura, napapamura na din
Agad akong naalerto ng biglang padabog na tumayo si Jonathan, Umupo ito sa higaan sa sahig kaya agad akong Tumayo para lumapit sa kanya pero hawak ko pa din ang cellphone, patapos na kasi ang laro ,sabi ko last game na.
" Sa Kama ka " Sabi ko dito, Inirapan nya ako.
" Ha?? Ano yun Archie? " biglang tanong ni Taki sa open mic, napatakip ako sa bibig ko at agad akong nag off mic, gago!! Muntik na, pre.
" Last minute nalang " Sabi ko kay Jonathan, Pero hindi nya ako pinansin.
" ML o Ako? " Tanong nito, Tinignan ko sya Bakit nya ba ako pinapapili? Eh, last minute nalang need namin manalo.
" Sandali nalang ito oh " sabi ko at umupo ulit sa Gaming chair ko para pagbutihin ang laro kasama ang mga kaibigan ko.
Nagcelebrate kami sa GC ng manalo kami at nakita naming nakaopen si Marlon pero hindi nagsiseen, ilang beses namin itong minention pero nadedeliver lang hindi nasiseen, Agad akong tumayo ng magpaalam na kami sa isa't isa.
Yumakap ako sa nakahigang si Jonathan sa Sahig, Hindi ito gumalaw kaya sinilip ko kung tulog na ito at nang makitang nakapikit siya ay hinalikan ko sya sa Pisngi.
" Tulog ka na? " Tanong ko dito.
" Hmm " sagot nito.
" Sorry " bulong ko dito.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...