Chapter 7

152 7 2
                                    

Pag uwi ko ay nagkayayaang mag ML, Wala si Allison dahil nagpaalam na itong matutulog nung hinatid ko sa bahay nila si Taki, kaya tatlo lang kaming naglaro, sakto malapit na din ang End of season kaylangan ng mag grind, Pero putang ina wala sa kundisyon ang Fanny ng Marlon, Kung saan saan napunta yung cable ng gago kaya tinatrashtalk na kami ng kalaban pati ng kakampi namin.

" Ano ba yan, Marlon! Bobo gaming ka ngayon " inis na sabi ni Lucas sa Video call namin sa GC.

" Maka Bobo ka, Pre ahh malay ko bang magaling yung Thamus tapos sesetan pa ni Johnson, Bakit ba kasi clash kayo ng clash " Reklamo ni Marlon.

" Ikaw Farm ng Farm wala namang laro " Ganti naman ni Lucas.

" Tama na nga yan, Magsitulog na tayo maaga pa bukas " awat ko sa dalawa, Kapag wala pang umawat o tumigil isa sa kanila ay hanggang bukas pa sila magbabangayan, Iba din kasi mabadtrip si lucas kaya hanggat maaari ayaw na ayaw naming nababadtrip sya lalo pa at kay Marlon sya palaging badtrip.

" Binawasan Mo lang star ko eh " Tuloy pa ni Lucas.

" Ano pa ako? Akala mo ba ikaw lang nabawasan? Puro ka reklamo eh, Ano bang naiambag ng esme mo? Lambot lambot " pantatrashtalk ni Marlon.

" Tang ina mo, one on one tayo tignan natin sino malambot " Hamon ni Lucas dito.

" Sige, Tang ina mo ah!! Sapak matalo ah " Ganti naman ni Marlon.

" Sige, Gago ka ahh akala mo yata uurungan kita " Tuloy pa ni Lucas.

" Hoy, Para kayong mga gago! Mag aaway pa kayo dahil sa ML " sermon ko sa mga ito.

" Magkampi pa kayo ni Archie eh " Biglang sabi ni Lucas, Tang ina nadamay pa nga ako.

" Bahala nga kayo dyan, Para kayong mga Gago " Sabi ko sabay end ko ng call ko, bahala silang mag away dyan dinadamay pa nila ako.

Mabuti nalang at nakatulog na ako matapos kong maglinis ng katawan, Paghiga ko sa kama ay binuksan ko ang LED lights ko para hindi masyadong madilim sa kwarto, pumikit na ako at napamulat ng tumunog ang Message tune ng Phone ko, binuksan ko ang Instagram ko dahil galing dito ang message at nakita ko ang pangalan ni Jonathan.

JnthnVil56: sleeping?

AchieDo_m: Uyy

Typing...

JnthnVil56: I saw you

AchieDo_m: saan?

JnthnVil56: phase 5, With a random guy

AchieDo_m: Weh? Bat di kita nakita?

Typing...

JnthnVil56: Boyfriend?

AchieDo_m: Boyfriend ka dyan, Tropa yun Naglaro kami Basketball ginabi kasi.

JnthnVil56: Okay.

Napahinto ako sa pagtatype ng basahin ko ang chat ko, bakit ako nagpapaliwanag? Ewan, Bahala na nga.

AchieDo_m: teka!! Taga phase 5 ka?

JnthnVil56: yeah.

Napatakip ako sa bibig, Seryoso ba? Taga phase 5 sya? Saan sya dun? Bat hindi ko sya nakita? Napaupo ako sa kama ko at nawala na ang antok ko.

AchieDo_m: san mo kami nakita? Walang tao sa labas nung naglibot kami

JnthnVil56: window.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon