Jonathan Villegas POV
Nilingon ko ang Taong nagpapasaya sa akin araw araw, Kahit anong kurot ko sa ilong at pisngi nya ay hindi sya nagigising tama nga ang sabi sa akin ni Allison, Tulog mantika ang isang ito at mukhang nasa Panaginip pa yata at sana ako yung nanduon, ngumiti ako tsaka sya hinalikan sa noo.
This Guy Beside me is one of the reason why I keep going, Kahit pa gustong gustong gusto ko ng sumuko sa buhay ko, bago ako lumipat sa all boys school ay mabigat na ang naranasan ko, Bago ko madiscover ang sarili kong lalaki pala ang gusto ko at nang malaman ito ng Dad ko ay nagalit sya, Naiintindihan ko naman sya dahil hindi nga naman normal ang magkaroon ka ng anak na lalaki tapos gusto din ay lalaki kaya hindi ko sya masisisi kung magalit sya at hindi agad matanggap ang katulad ko.
Sinubukan kong makipag ayos sa kanya pero gusto nya munang maging matino ako, dumating na sa point na napagbubuhatan nya na ako ng kamay, Naalala ko ng magkaron ako ng International competition, sumunod sila ni mommy sa amin sa singapore akala ko nandun sila para suportahan ako sa laban ko, Pero nakatanggap lang ako ng isang malakas na sampal mula kay Dad, Kahit anong pagpigil ni mom ay hindi nya mapigilan si Dad, Kaya lumayo ako tinanggap ko ang offer ng school ko Dati na magdorm at dahil isa akong atleta nila ay libre lahat, Accomodation, Service and Foods.
Sa allowance ay may Credit card akong galing kay Mom at duon ako pinadadalhan ng ate ko na isang ganap na Nurse sa Europe and This house is my Moms gift for me nang magdaan ang birthday ko kaya naisipan kong lumipat dito at lumipat na din ng school.
Kung saan kami nagkakilala ni Archie, Sa Una palang wala akong balak magustuhan sya dahil mas inuuna ko ang pagiging athlete, Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, Yung hindi ko inaasahang mangyari ay nangyari na at hindi ko napigilan ang sarili.
I enjoy our company, His Smile, His Laugh everything about him, Makes me fall for him hard, Nakakalunod, That Kiss we had, Even though his Drunk makes me want him more.
Umamin ako kung ano ang Sexual Identity ko and He accept it, naramdaman ko ang kalayaan, yung malaman kong may taong tangap ako kahit patago lang at kahit wala na ako sa puder ng pamilya ko ay iniingatan ko pa din ang apelyidong dinadala ko.
Isang banggit lang ng Apelyidong Villegas ay si Dad na agad ang maiisip ng lahat, And I hate it.
" Hmmm " nabalik ako sa sarili ko ng halikan ako ni Archie sa labi, Nagising na pala sya.
" Hmmm " Ganti kong halik sa kanya, parehas kaming ngumiti sa isa't isa.
" Good morning, Prince Archie " Nakangisi kong bati dito, inilapit ko ang ilong ko sa ilong nya tsaka ito pinagkiskis sa isa't isa, Hinalikan ko sya ng mabilis sa labi ng sumenyas sya ng kiss.
" Good morning, Kanina ka pa ba gising? " Tanong nya naman sa akin, Tumingin ako sa Alarm clock ng kwarto ko at nakita ang oras.
" Kakagising lang din " Palusot ko dito, Tumango sya at niyakap ako ng mahigpit.
" Saan ka mag aaral ng college? " Tanong nya sa akin, Parehas na kaming nakatitig sa ceiling ng kwarto ko habang nilalaro ko ang Buhok nya.
" Ikaw ba? " Tanong ko dito pabalik.
" Uhmm, Tutal Criminology naman ang course ng kuya ko, Pwede na siguro akong maging Criminal para naman may mahuli silang magtotropa " Biro nito.
" Ha?? " tanong ko bigla at Agad akong napatingin sa kanya,para makita kung totoo bang gusto nya nga ang sinasabi nya pero agad akong nakahinga ng maluwag dahil nakangisi sya habang sinasabi iyon, kaya Napailing ako.
" Hahahaha, Just Kidding Jok!jok!jok! " Nakangisi nyang pagbawi sa kanyang sinabi, Inangat ko ang braso kong inuunanan nya kaya napalapit ang mukha namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Fiksi RemajaPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...