Chapter 28

113 6 6
                                    

Hindi ko naiwasang humawak sa dibdib ko dahil sa naramdaman kong kirot mula dito, Tang ina namang buhay ito oh!! Naramdaman ko ang init na bumalot sa kamay ko, paglingon ko ay kinulong ni Jonathan ang kamay ko sa mga palad nya habang sa kabilang bahagi sya nakatingin.

" Jonathan " Tawag ko sa pangalan nito, nakita ko ang pagsilay ng ngiti pero hindi ko alam kung masaya ba yun o malungkot.

" Archie " tawag din nito sa pangalan ko, Katulad nya ay napangiti din ako yung pagbanggit nya palang sa pangalan ko, Alam ko na, Alam ko ng wala syang ibang tatawagin na pangalan sa ganung emosyon.

" Archie, I'm thrilled every time you call me by my name but I have one wish that I know that can't happen is to be able to call you mine, even if I want to lose my feelings for you, kung matuturuan ko na lang ito ngayon din gagawin ko and The first time I did it, I wouldn't have been able to confess to you " Sabi niya ng kami lang ang nakakarinig, Ayokong isipin nyang nagsisisi sya na nagustuhan nya ako, Ano ba ang nagawa ko sa kanya para magustuhan nya ako ng ganito?

" Kaya gusto kitang tanungin sa huling pagkakataon, Archie " Sabi nya at hunigpit ang hawak nya sa kamay ko.

" Will you be my Boyfriend?? " Matapang at seryoso nyang tanong, Kahit pala alam ko ng gusto nya ako ay hindi pa nawawala ang pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing malapit sya, Nagseselos ako kapag may iba syang kasama, Ganun din kaya ang naiisip nya sa akin?

" Jonathan " Tawag ko sa pangalan nya, Gumalaw sya napatingin ako sa kamay naming dalawa, Pinasok ko ang mga daliri ko sa daliri nya , Tumingin siya dito at pag angat nya ng tingin sa akin ay nagkatitigan kami, Ngumiti ako ng simple.

" Pwede bang ako naman ang magtanong sayo? " Sabi ko dito, Wala sa sarili syang tumango at nagsalita.

" Sige, Ano yon? " Tanong niya, Pero halata ang kaba nya sa pagtanong nya.

" Pwede ba kitang ligawan? " Matapos ko iyong sabihin ay parang pumutok na ng tuluyan ang fireworks na matagal ng nakaimbak sa utak ko, Shit!! Seryoso ba?? Tinanong ko siya kung pwede ko syang ligawan?? Fuckk!!! Wala ng atrasan ito at habang nililigawan ko siya gusto kong malaman kung gusto ko na nga talaga sya.

Hindi naputol ang pagtitigan namin at sa tingin ko nag iisip pa sya ng isasagot nya, Putek! Don't tell me babustedin nya din ako tulad ng pambabusted ko sa kanya, Shit!! 'wag naman sana, Please pero kung iyon naman ang desisyon nya ay wala akong magagawa, Nag iwas ako ng tingin ng tumayo ang Painter at sabihing tapos na nya ang drawing, Gusto kong makita ito kaya naglakad ako at dahil magkahawak pa din kami ng kamay ni Jonathan ay napahinto ako at nilingon siya.

" Sige, Pumapayag akong ligawan mo ako " Sabi niya, sumilay ang ngiti ko kaya sinubukan ko itong pigilan pero wala na akong nagawa pa ng sundan nya ang sinabi.

" Pero liligawan din kita " Nanlaki ang mata ko, Seryoso ba liligawan namin ang isa't isa?? Parehas naman kaming lalaki kaya posible naman manligaw kami sa isa't isa, Nakakagat labi akong tumango at nang sumilay ang ngiti sa kanya ay hindi ko na ito napigilan.

" Let's Go " yaya nito sa Painter na naghihintay sa amin na maipakita ang drawing nya, Napatakip ako sa bibig ko gamit ang kamao ko, Yung titigan namin ni Jonathan at ang magkahawak naming mga kamay ang makikita dito, napatingin ako kay Jonathan, Grabe! Ang pogi ng nililigawan ko at nanliligaw sa akin, Shit!!!

Sa sobrang saya ko ay gusto kong magtatalon sa saya, nagpapicture kaming dalawa ni Jonathan hawak ang drawing, napagkasunduan din naming siya na ang magtago ng Drawing sa akin naman ang Mga litrato namin ng magkasama.

Halos araw araw kasing napasok ng kwarto si Mama para kumuha ng mga Labahin ko at maghalingkat ng malilinis, Si kuya warren naman ay palagi ding nasa kwarto ko para kumuha ng mga gamit ko.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon