Last Special Chapter🥺
Bad Green Flag
Allison Bautista POV
Napapikit ako sa nakikita ko dito sa harapan ko, What the hell Am I seeing right now? Kasama ko lang naman ang mag Jowang si Archie at Jonathan na nagsusubuan ng pagkain nila, Yeah right! Ako ang pumalit sa Third wheel na si Marlon.
Ang walangya tinakasan kami!! Ilang araw nang absent ayun pala nagbabakasyon lang sa Batangas, Mababatukan ko yan pag uwi dito, Makikita nya hinahanap nya.
" May gusto ka pa bang orderin, Pre? " Napatingin ako kay Jonathan na kinakain ang sinusubo sa kanya ni Archie, Mga Hampas lupa!! Sa harap ko pa talaga kayo nag gaganyanan??
Inggit ako, Pre!!
" Hindi na, Busog na busog na ako Pre Sobrang tamis nyo kasing dalawa " Sarkastiko kong sabi dito at biglabg tumawa si Archie na parang isa akong malaking question mark sa harap nila.
" Inggit ka ba, Pre? " Nang iinsulto nitong sabi kaya Pinakyuhan ko sya at dahil hindi siya makaganti sa akin ay dinalawa ko pa ang pamamakyu ko hahaha!! Lumingon si Jonathan sa Likod ng may mga pumasok kaya nakapakyu din sa akin si Archie ng dalawa.
" Pre, Namamakyu oh! Namamakyu " Sumbong ko kay Jonathan kaya agad itong humarap at tinignan ang magkadikit na kamay ni Archie sa lamesa, Hahahah!! Ano ka ngayon, Men?? Tanggal ba angas mong Kulugo ka??
Jonathan lang pala magpapatino sayo.
" Babe " babalang tawag ni Jonathan kay Archie.
" Nauna siya, Babe alangan magpaapi ako sa gunggong na yan? " Nanlalaking matang sabi ni Archie, Ang sarap Videohan.
Matapos ang inggitan session nila sa akin ay nauna na akong umuwi, Hayst!! Yung wala naman kaming ginawa kundi kumain, Gumala mag Picture, Oo Hindi naman nila sinabing sinama nila akong dalawa para may Photographer silang gwapo.
Edi! Sana nagtawag ako ng staffs ko diba? Pag uwi ko ay bumungad sa akin ang kapatid kong may mga bisita sa Garden namin, Mukhang nagkakasayahan sila duon kaya lumapit ako sa kanila.
" Uy, Kuya Mo Par " Kalabit nung kaibigan ni Andrei.
" Hayaan mo yan, Epal na naman yan eh " Sabi ni Andrei habang nakatalikod sa akin agad ko syang Binatukan sa ulo kaya napaaray sya at hinarap ako.
" Kuya? Kanina ka pa dyan? " Tanong nito sa akin kaya nilakihan ko sya ng mata.
" Epal ako? Epal ako? " Kutos ko sa kanya kaya nagtawanan ang mga kaibigan nya, hindi naman masakit yung ginawa ko kaya okay lang yan, Walang masasaktan dito.
Pumasok ako sa bahay namin at umakyat na ng kwarto ko, Hindi ko na kailangan kumain ng hapunan dahil sa dami ng kinain namin kanina ay parang sasabog na yung tiyan ko at hindi ko na namalayang nakatulog na ako, Pero nagising din kalagitnaan ng tulog ko ng biglang may mag Notif sa akin.
DarnaShian: Hi!
Chat sa akin ng nakamatch ko dito sa Dating apps, Hindi ito babae kaya sigurado akong lalaki ito dahil puro abs nya ang nakalagay sa Profile nya.
CapteynBalli: Hi!
Reply ko.
DarnaShian: Free ka ba this Sunday? Overnight place ko
Napangisi ako ng yayain ako nito, Hayst! Kailan ba kasi pupunta si Tonton kila Archie?? Kainis, Ilang araw ko na syang chinachat pero ni Hi ni Ho walang reply ni hindi nga sineen yung chat ko.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...