Chapter 38

106 6 9
                                    

Hindi ako pumayag sa gustong pagsama sa akin ni Jonathan, Kaya ko naman mag isa at ako ang mas nakakakilala kay Marlon, Kasalanan ko ding nangyari ito, kahit pa sabihin nilang wala akong kasalanan, dahil lahat naman ng tao ay nagkakamali.

Pero unang una, Hindi dapat ako nagkamali.

*Bzzzt.Bzzzt*

Tunog ng doorbell nila Marlon, Napalingon ako sa kaliwa't kanan para tignan ang paligid, Mahina ko din pinukpok ang dala kong kahon para kay Marlon.

" Oh, Archie? " Gulat na tawag sa akin ng mama ni Marlon, Ngumiti ako nang pagbuksan nya ako ng Gate, Pambahay palang pang mayaman na.

" Hi, Tita " Nakangiti kong bati dito, nagmano dina ko sa kanya bilang pag galang.

" Naku, Pakiramdam ko tuloy tumanda ako sa pagmamano mo, Hahaha halika Pumasok ka " Lengkoy na sabi Ni Tita, Marlon na Marlon, Ibig sabihin sa kanya nagmana si Marlon sa pagiging happy-go-lucky.

" Salamat po " Sabi ko at sumunod sa kanyang pumasok, Sinalubomg ako ngi Lettuce ang Siberian husky ni Marlon, Pinaupo ako nito sa white leather sofa nila at nag utos sa katulong na kuhaan ako ng juice at meryenda.

" Hindi mo yata kasama sina Allison at Lucas? " Nagtatakang tanong ni Tita ng ibaba nya sa Coffee table ang pinakuha nya.

" Ako lang po ang bumisita, Ahh Tita nandito po ba si Marlon? " Magalang kong sagot dito, Napalingon sya sa Second floor ng bumaba ang kapatid na Babae ni Marlon.

" Nasa kwarto nya nagkukulong, Ilang beses ko na ding pinagsabihan na lumabas labas naman ng kwarto nya at ienjoy ang pagkasuspend, Pero ayaw " Malungkot na sabi ni Tita, Tango ako at inabot sa kanya ang Box.

" Ganun po ba?? Sorry po, Tita " Sabi ko ito, Kinuha nya ang Box.

" Gusto ko lang po sanang iabot ito kay Marlon, Pero sigurado pong hindi nya ako kakausapin kaya, Pwede po bang kayo nalang po ang magbigay sa kanya " Magalang ko ulit ditong sabi, Ngumiti sya at tumango.

" Oo naman, Kahit ano pang pinagdadaanan niyong kaibigan wala talagang makakatitibag sa inyo, Hayst! Gusto ko na ngang hilahin palabas sa kwarto nya " Stress na stress na sabi ni Tita, Napangiti ako ng umupo sa tabi ko ang cute na kapatid ni Marlon na si Myrthel.

" Hi, Kuya Archie " Bati nito.

" Hi, Myrthel " Bati ko dito, Hindi na ako nagtagal pa sa kanila para hindi na ako maabutan ni Marlon sa loob, Ibibigay naman sa kanya ni Tita ang dala ko kung saan nanduon ang Weaver at maliit na sulat galing sa akin.

Sinamahan ko na din ng favorite nyang Chocolate bars, Like Kisses Lalo na Tobleron at Dairy Milk.

Ilang araw ang lumipas at hindi pa din nakakapasok si Marlon, binisita ko ulit sya pero kasama ko na ang mga kaibigan namin ng matapos kami sa school pero wala sya sa kanila, Hindi din alam ng mga katulong nila dahil ngayon lang daw hindi nagsabi si Marlon sa kanila.

" Nakakabagot " Reklamo ni Allison ng marating namin ang Paborito naming bilihan ng Milktea dito sa Phase 4.

" Ang Arte mo akala mo naman hindi ka sunog sa init dati " Saway ni Lucas sa kaibigan namin, Napangiti ako akala siguro ni kuya warren na hindi ko alam ang pagplrma nya sa kaibigan ko, Tss!!

" Sinong sunog? Mas maputi pa nga yata mukha ko kesa sa singit mo " turo ni Allison sa Singit ni Lucas, Agad naman itong tinakpan ni Lucas.

" Gago, Bakit mo ikukumpara mukha mo sa singit ko? Siguro kamukha mo singit ko " Sabi ni Lucas kay Allison, Muntik naman mabulunan si Allison dahil kasalukuyan syang nahigop sa inumin nya kaya hindi namin napigilan ang matawa ni Jonathan.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon