Jonathan Villegas POV
Huminga ako ng malalim at Pinagmasdan ang Chocolate milk na nasa Desk ko, Hindi ko iniintindi ang mga sinasabi ng mga kasama ko dahil nasa inumin lang ang atensyon ko, Alam ko namang ginagamit lang ako ng mga ito at dahil gusto ko din namang hindi na ako apektado kay Archie ay kailangan may paglibangan ako.
Ginagamit nila ako, Ginagamit ko din sila, Quits tay.
Muli kong binalingan ang nasa lamesa ko, Gusto kong lumingon sa likod dahil ramdam kong may nakatitig sa akin pero Ayokong umasa na sakanya ito galing pero sya lang naman ang nagbibigay sa akin ng ganito at dahil naaalala ko pa din ang sinabi nya sa akin ay nasabi kong itapon ni Mark iyon sa basurahan.
Alam kong wala naman syang pakialam sa akin, Ginugol ko nalang ang sarili ko sa pag aaral, Mabuti at nagbigay lang ito ng isang assignment tsaka tinapos na ang klase, Nagsimula akong magligpit dahil may practice ako sa swimming club, may nalalapit kasi kaming laban at kasali ang ilan sa amin, Baka isabak din ang mga bagong myembro ng swimming club.
" ayos ka lang, Pre? " Narinig kong tanong ng kaibigan ni Archie, Ilan beses ko palang sila nakakasama kaya hindi ko sila masyadong close tanging si Archie lang ang kilala ko sa kanila, Pero kahit ganuon ay gumaan na aloob ko sa kanila.
" Oo, Ayos lang " Sagot ni Archie at narinig ko ang ingay na para itong nagliligpit na ng gamit.
" Kausapin mo kaya? " Mahinang sabi nito, Kumabog ang dibdib ko, sino kakausapin nya? Ako ba? Narinig ko ang pag alis ng mga kaibigan nya kaya tumayo na ako, Kung sino man ang kakausapin nya Wala akong pakialam, ganun din naman sya sa akin.
" Jonathan " napahinto ako sa paglalakad ng bigla syang humarang sa harapan ko.
" Bakit? " Tanong ko dito, Ngumiti sya ng pikit at mukhang napilitan lang sya na humarap sa akin ngayon, Pero kahit ganun ay gusto kong ngumiti.
" W-wala, Ano sige mauna na ako " Nag alangan nitong sabi at nagpaalam sa akin, kumunot lang ang noo ko dahil hindi ko sya maintindihan, Ano ba ang sasabihin nya at parang hirap na hirap syang sabihin?
Kinausap ko na sya ilang beses naglakas ako ng loob, Nilunok ko ang natitirang respeto na meron ako sa sarili ko para sabihin ang gusto kong malaman nya, Pero sya simpleng sorry hindi nya magawa? Ganun na ba kahirap magsabi ng sorry?
Ang reject ng isang beses ayos lang sa akin pero ang masaktan paulit ulit? Sobra na yata, Kaya dapat siguro muna akong magpahinga sa katangahan.
Pero napatingin ako sa kinaroroonan ng Trashcan, mabigat ang paa kong nilapitan at yumuko para halungkatin ito, Kinuha ko ang Chocolate Milk at Biscuit na galing sa kanya, Inalis ko ang dumi nito tsaka ipinasok sa bag.
Hindi pa din kami nag uusap habang nag tetraining sa swimming club, Natuto na din siya ng mga basic at ngayon si Aljon ang nagtuturo sa kanya para mag freestyle, Habang nagpameeting ang coach namin ay nahuhuli ko syang natingin sa akin tapos kapag titingin ako tatango sya kay Coach na akala mo ay nakikinig ng mabuti pero sabay iwas ng tingin sa akin, akala mo naman talaga naintindihan, inakbayan ako ni coach.
" Isa si Jonathan Villegas sa napiling lalahok sa swimming competition, ikaw, Angelo, Kirk at Archie " banggit ni Coach sa mga sasali sa Finals, Napatingin ako kay Archie ng marinig ko ang pangalan nya, Sigurado ba si Coach? Alam kong friendly competition lang ito para mas maging active pa ang mga members namin pero si Archie?? Isasabak agad?
" Coach " Tawag pansin ko kay Coach, Pati si Archie ay lumapit din para kausapin ito,kaya nagkatinginan kaming dalawa.
" Hindi pa po ako magaling sa swimming, Coach hindi pa din ako kumportable sa paglangoy pwede po bang palitan nyo po ako? " Magalang na sabi ni Archie kay Coach, Tinignan nya ako para marinig ang kung anong sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Novela JuvenilPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...