Kami na ni Jonathan ang naghahanap ngayon ng kahoy dito sa gubat para sa pang gatong namin, Naisipan din kasi nilang mag bonfire mamaya at syempre hindi mawawala ang inuman.
" Pagod ka na ba? " Tanong ni Jonathan na nasa likod ko, nakaalalay pa din siya kahit na may karga karga syang mga pang gatong.
" Hindi naman nakakapagod " Sabi ko dito at lumingon sa kanya at dahil napakagwapo nya ay hindi ko naiwasang matapilok sa bato kaya nabitawan ko ang mga kahoy, ganun din si Jonathan at sinalo ako, Nakaluhod sya ng masalo nya ako.
" Shitt, Aray!! " Reklamo ko ng maramdaman ko ang matulis na tuhod ni Jonathan, Bumalatay naman sa mukha nya ang pag aalala, pinaupo nya ako sa tuhod nya.
" A-ayos ka lang? Saan masakit? Do you want me to bring you to the nearest hospital? " Sunod sunod nitong tanong habang nag aalala, Napangiti ako at pinitik siya sa noo.
" Ang OA, Ang OA " nakangisi ko ditong sabi at habang hinihimas nya ang pinitik ko.
" Ikaw " Sabi nya at nagulat naman ako ng bigyan nya ako ng masamang tingin, Hindi ako nakagalaw agad ng kilitiin nya ako sa tagiliran at dahil nakaupo ako sa tuhod nya ay mas nagkaron sya ng access na makiliti ako, Parehas kaming bumagsak sa lupa ako ang nasa ilalim at sya ang nasa ibabaw.
Huminto ang pangingiliti nya dahil sa nangyari, parehas kaming nakatitig sa mata ng isa't isa, I just love how he look at me like that, Masyado syang obvious na ako lang ang tinitignan nya ng ganun.
" Archie? " Tawag nito sa akin.
" Jonathan? " Tawag ko naman sa kanya, Ngumiti sya at pumikit habang sabay kaming humihingal.
" Will you be my Boyfriend? " Nagmulat sya habang sinasabi niya iyon, handa na ba ako? Hindi mawala ang saya na nakikita ko sa mga mata nya.
Pero isa lang ang masasabi ko sa sarili ko, Kapag ganito ang tingin nya sa akin sino ba ako para tumanggi? Sino ba ako para saktan sya? Unti unti akong tumango at sabay kaming napangiti dahil sa naging Desisyon ko.
Yumakap ako sa kanya at paulit ulit nyang sinasabi ang Thank you, ilang beses nya akong hinalikan sa pisngi, Tenga at sunod ay sa labi, Hindi namin alintana ang kinalalagyan namin ngayon, Nasa lupa kami at dito pa talaga namin napiling maghalikan sa maduming bahagi ng gubat.
" Aray " Sabi ko ng makagat nya ako sa labi.
" Sorry " Sabi nya pero nakangiti pa din, Muli nya akong binigyan ng mabilis na halik at tumayo na sya para tulungan akong makaayos ng tayo.
Natawa kami habang nagpupulot ng mga naihulog namin kanina at nagdecide ng bumalik sa camping site, Pagbalik namin ay naliligo na sila sa ilog, Pagkababa ko palang ng mga kahoy ay naghubad na ako ng damit tsaka tumalon sa Tubig, Naghiyawan naman ang mga kasama namin.
" Ang lamig!! " Sigaw ni Marlon habang nanginginig sa gilid.
" Kambing " Sabay sabay naming tawag nila Taki, Agad naman lumusong si Marlon at hinabol sa Tubig si Lucas tsaka sumampa sa likod nito.
" Sinong kambing, sinong kambing ha!! " hamon nito, Si Lucas naman ay natatawa dahil nangingiliti si Marlon.
Nakakarefresh lang yung ganitong ganap, Fresh experience, Fresh lahat, Tumalon kami ni Allison sa bato at nagback dive ito syempre magpapatalo ba ako? Pero pag angat ko sa tubig ay nakita ko si Jonathan na nakakunot ang noo, Bahala ka dyan Minsan lang magsaya.
Umupo na naman si Marlon sa gilid kaya pinagtripan namin ito nila kuya warren pati na ni Allison, Hahaha agad namin itong pinagtulungan buhatin para ihagis sa ilog, Tunilungan siya ni Kuya Reggie makaahon dahil nag uusap sila ni Kuya Tonton.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...