Chapter 24

97 6 4
                                    

After namin makikain kila kuya Reggie ay nagmall kami ni kuya warren, Bagong sahod ang kuya Bili daw nya ako ng Bagong jacket, ilang store na ang pinuntahan namin wala pa din syang mapili, Nang mapadaan kami sa watson ay gusto kong pumasok para bumili ng pwedeng ipantakip sa putang inang, chikinini na inilagay sa akin ni Jonathan.

" Hoy, Ano bang Tinatayo tayo mo dyan? " Biglang tawag sa akin ni Kuya warren ako namann ay hinigpitan koo ang kapit sa collar ko para matakpan lang ang ebidensyang iniwan ni Jonathan.

" Ito ba? Gusto mo? " Tanong nito sa itim na jacket.

" Sige, Goods lang " sagot ko dito habang nagrereply sa chat ni Marlon, Dahil hindi pa din sya naniniwalang lamok lang ang sumipsip ng dang laking pula sa leeg ko, Parang bagong vente e yung barya.

" Gusto mo nga? May pagpipilian pa naman " Kuya Warren, Tumingin ako sa kanya.

" Sige lang, pili ka lang " Sagot ko dito, Nakita ko naman nabumagsak ang balikat nya, Tinanggal ko ang earphone kong hindi naman natunog.

" Nakikinig ka ba? Ang tanong ko kung gusto mo ba nito? O ito? O ito? Anong gusto mo dito " Itinuro ni kuya warren ang tatlong hawak nyang.

" Sabi ko, Sige nga ayos lang sa akin " Sagot ko dito, Napapikit sya at napailing.

" Hindi ka ba aayos ng sagot sa akin? Oo o hindi lang, Mahirap bang sabihin yun? " Inis nitong sabi , Kaya tumango ako.

" Oo, Oo " Sabi ko at tinago ko na ang cellphone dahil hindi na maipinta ang mukha ni kuya.

" Ano dito yung gusto mo? Ito o ito? O ito kaya? " Kuya warren.

" Sige lang " Sagot ko, Lumaki ang butas ng ilong nya kaya ngumiti agad ako at nag peace sign sa kanya.

" Ito kuya maangas pag sinuot ko " Sabi ko dito at kinuha mula sa kanya ang Gray Jacket na new york, Ipinakita ko ito sa kanya.

" Diba? Pogi ba? " Tanong ko dito.

" Baka manghiram ka na naman ng jacket ko, Puta amoy Archie na " Sabi nito at pumunta na kami sa counter kaya hinubad ko na muna ito para mabayaran na ni kuya at syempre hindi ba naman mawawala yung picture habang dala yung bili ni kuya?

Hoy! No way, Josè.

Nagpost agad ako ng picture at nakita kong nagcomment si Jonathan, Tumingin muna ako kay kuya warren dahil nasa labas pa ito ng kotse at may kausap pa sa cellphone nya, Binuksan ko ang comment ni Jonathan, Naka angry emoji sya.

Nakakagalit ba yung kapogian ko? Nireplayan ko ito ng Inggit ka!! At nireplayan nya akong Asa ka! Wala namang kwenta yung reply namin sa isa't isa pero napangiti ako, Nagtakip ako ng bibig, Bwiset naman talaga.

Alalahanin mo may Kasalanan sayo yan, Archie!!

Umayos ako ng upo ng pumasok na si kuya Warren at naglagay na kami ng seatbelt, Nakinig pa ulit ako ng music sa phone ko pero hindi pa din mawala ang ngiti ko.

Friday ngayon at bukas na ang sinasabing friendly competition ng iba't ibang school dito sa buong syudad namin, May public may private at isa kami sa mga private, Ikaw ba naman magkaron ng apat na aircon yung isang classroom?

" Archie, Galingan mo ah " Nakangiting sabi ni Marlon habang nanonood sila ng training namin dito sa school swimming pool area at maya maya lang ay kami na ang isasabak.

" Sa susunod kami naman panoorin nyo, Basketball hehehe " Sabi naman ni Allison.

" Bano ka naman " Sabi ni Marlon, Nakatanggap ito ng batok mula sa dinodog show nya.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon