Alas syete ako nagising ngayong sabado dahil nagyayang mag ML kagabi sina Lucas at dahil malapit na ang end season ay mag gagrind na naman kami, Pagbaba ko ng Kusina ay wala si Mama narinig ko sa banyo ang nakabukas na tubig kaya Kumatok ako dito.
" Ano ba? Naliligo ako!! " Sigaw ni mama mula sa loob ng banyo.
" Ma, Ano ulam? " Tanong ko dito ng malakas dahil siguradong hindi nya ako rinig sa loob sabay lapit sa kusina.
" Punyeta, Magluto ka ng almusal mo aalis ako " Sabi ni Mama, Nagbukas ako ng ref at nakita ang natira naming ulam kagabi, Yung calderetang baka, Pati na ang Ice cream na nilibre sa akin ni Jonathan nung isang araw, Mabuti nalang matakaw si Kuya warren kaya siya ang mas nakarami ng Ice cream, Nilabas ko ang ulam at kumuha ng paglulutuan, Habang nagpapainit ng ay nagtimpla ako ng Gatas ko, Sakto din naman na lumabas si Mama sa banyo habang nakatapis ng Tuwalya.
" Saan ka punta,Ma? " Tanong ko dito habang nahigop ng Gatas.
" Manlalalaki " Biro nito, Sumimangot naman ako dahil Hindi na talaga sya nasagot ng matino eh, Umakyat ito para makapagbihis, pagtapos kong magpainit ng ulam ay nagsandok ako ng kanin,Tsaka pumunta sa Sala para duon kumain, Binuksan ko ang TV, Spingebob Square pants ang Palabas.
" Ano ulam? " Napalingon ako sa Hagdan ng marinig kong may bumababa dito at si Kuya warren pala habang nakasuot lang ng boxer at kumakamot kamot pa sa Leeg nya, napailing ako habang nasubo ng pagkain, Nilipat ko ang Channel.
Nag angat ako ng tingin kay kuya ng lumapit ito sa akin tsaka inagaw ang kutsara ko, Sumubo ito sa pagkain pati Gatas ko ininuman, Susubo pa sana sya ulit ng kunin ko na sa kanya yung kutsara ko at ilayo ang plato ko.
" Magsandok ka dun " reklamo ko dito at lumayo sa kanya.
" Ano ngang ulam? " Tanong nito.
" Itlog " sabi ko, nanlaki ang mata nito sa ulam ko.
" Puta, Caldereta ulam mo sakin itlog? Dati ka bang baliw? " Reklamo nito.
" Alam mo naman na yung Ulam nagtatanong ka pa " sabi ko dito at inis syang umalis sa tabi ko, Mabuti naman para makapagfocus ako sa pagkain at panonood ko.
Natawa ako sa sinabi ng bida, Umupo sa tabi ko si Kuya Warren at nagtaas pa ng paa sa lamesa, tapos sabay kaming natawa, tumuturo pa sya sa tv, Napalingon kami sa hagdan ng bumaba si Mama na nakadress na green.
" Wow! Ganda mo naman, Ma " kumento ko dito, Umupo sya sa single sofa namin at Inilapag nya ang bag na regalo pa sa kanya ni Dad sa lamesa habang kami ay sa kanya lang nakatingin.
" Saan ka punta, Ma? " Tanong ni Kuya, Tumigil si Mama sa pagsusuot ng hikaw
" Hala, kayo ba tinanong ko tuwing naglalalalayas kayo ng bahay? Ano ko ba kayo? " Umpisa na naman ni Mama.
" Anak " sagot ni Kuya.
" Ano nyo ba ako? " Tanong ni Mama.
" Mama " Sabay naming sagot ni kuya.
" Ayun, Nanay nyo ko kung umasta kayo para kayong tatay nyo ah " Sabi nito sabay pabango.
" Alam ba ni Dad na aalis ka, ma? " Tanong ni kuya.
" Ako'y tigil tigilan nyo sa mga paandar nyo ah, Malelate pa ko eh " reklamo ni Mama, Tumayo ito at humarap sa salamin na nakasabit sa hagdan, Naglagay sya ng pulbos at liptick sa labi, Nagkilay din sya at nagblush on.
" Ano, Maganda na ba ako? " Tanong ni mama ng ipakita nya sa amin ang ayos nya.
" Ang ganda mo, Ma! You're always Beautiful with or with out your Make up " papuri ni kuya Warren sabay subo ng pagkain, Sipsip Mode On!
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...