Chapter 35

90 6 6
                                    

Ikinalulungkot ko mang sabihin pero malapit na nating matapos ang Yani Swimmer, Huhuhu!! ilang Chapters nalang at ilang Special Chapters para sa mga Best Friends nating sina Marlon, Kuya Reggie, Lucas at Kuya Warren, Allison at Kuya Tonton.
-AU.

Nag kayayaan silang mag inuman dito sa labas ng bahay, Kung saan nakatanim ang mga babies ni mama at dahil hindi pa nauwi ang dalawang mokong kong kasama ay niyaya na din tuloy sila ng mga ito uminom, Hayst!! Hangga't walang nagpapaalam sa isa sa kanila ay walang uuwi talaga kahit pauwiin ko sila.

" Mabuti nalang talaga at kasama natin ang sponsor ng alak " Sabi ni Kuya Tonton habang nagbubukas ng pulutan.

" Gusto nyo pa sa bar tayo mag inom " biglang sabi ni kuya Reggie.

" Gago, May mga minor de edad tayong kasama " Kumento naman ni kuya warren at tinuro kaming tatlo na magkakatabi, Pinag gitnaan nila ako.

" Oo nga, Dito nalang sa bahay nila warren tayo tayo lang, Walang maasim " Natatawang sabi ni kuya Tonton, Natawa naman bigla si kuya Warren at kuya reggie.

" Tang ina, Naalala mo pa yun " Natatawang sabi kuya warren at nag apir sila ni kuya Tonton.

" Oo, Kung hindi pa ako lumayo sa maasim na yun baka nasuntok ko na eh, Kasing lakas ng panununtok ng amoy nya " Sabi ni kuya Tonton.

" Makapag salita ito, Akala mo hindi sya maasim dati, kung hindi lang kita binilhan ng rexona maasim ka pa din hanggang ngayon " turo ni kuya Reggie kay Kuya tonton, Nagtuloy ang katuwaan namin sa mga kwento nilang magtotropa sa college life nila hanggang ngayong taon ng pagtatapos nila, I envy their friendship, Kahit pa malayo ang school at ang bahay nila sa isa't isa ay nagagawa pa din nilang dumalaw dito kay Kuya kaya hindi na ako magtataka kung minsan hindi nakakauwi si kuya or late na umuwi kasi kasama nya ang mga tropa nya.

Solid, Brothers.

" Oo nga pala, Bunso bakit hindi mo kasama si Allison ngayon? " Tanong ni kuya Tonton habang nanguya ng pulutan, Naalala ko ang sinabi ni Allison na nacucutan daw sya kay kuya Tonton nung Hiking namin.

Ang jolly kasi kausap ni Kuya Tonton siya yung tipong hindi mo pa close pero once na nagkausap na kayo ay hindi ka na titigil kakatawa kasi madami siyang baon, Parang Marlon din pero iba ang kay Marlon, puro mura at puro kabalastugan lumalabas sa bibig nun eh, Nanghahawak pa ng pwet.

" Ahh---- "

" Si Marlon din hindi mo kasama " Biglang dugtong ni Kuya Reggie na nakaakbay kay kuya Warren habang hawak ang baso nyang inuubos pa ang laman bago lagyan.

" Ahh---- "

" Pati na si Lucas, Archie Bakit hindi mo kasama? " Singit din ni kuya Warren, Hindi ko matapos tapos ang sagot sa kanila dahil wala yata silang balak pagsalitain ako.

" F.O? " Kuya Tonton, agad akong umiling tsaka tumawa.

" Hindi, Baliw hahaha Nauna lang silang umuwi kasi nagpractice kami sa swimming ni Jonathan " Sagot ko dito, Tumango ang tatlo na parang naintindihan.

" Ohh, Bakit kasama nyo ito? " Turi ni Kuya Warren kay Taki na nainom ng chaser.

" ahh, Nakasabay ko lang po sila kuya " Sagot ni Taki na nakangiti.

" Teka ngaa!! Bakit nyo ba hinahanap ang mga wala dito? " Tanong ni Sean ng mapagtanto nitong iba ibang tao ang hinahanap ng tatlo, Hahaha!! Ewan ko lang ha!! Bakit nga ba??

" Malamang hahanapin mo kasi wala dito alangan namang nandito tapos hahanapin mo, Kung hindi ka naman mapagkamalang tanga diba? " Pilosopong sagot ni Kuya warren kay Sean, Napakamot naman ang Isa.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon